29

99 4 1
                                    

I swear, parang lalabas na ngayon ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog. Okay, kinakabahan ulit ako, pero bago ako pumasok sa elevator, pinakalma ko muna ang sarili ko.

Relax, Agatha. Isipin mo na parang noong sa airline ang internship mo at kung sino-sinong tao ang kailangan mong pakisamahan. Pero iba itong ngayon, dahil nasa Pilipinas ako. Huminga ako nang malalim, at pagbukas ng elevator ay pumasok na ako para sumakay.

Pero teka, saan pala ako dapat pumunta?

"Ano po ang floor ninyo, Ma'am?"

Napatingin ako sa babaeng nariritong kasama ko sa elevator, mukhang empleyado ito. Oh, shit. Oo nga pala! Saang floor ba ako pupunta? Tatawagan ko sana si Kuya nang maisip kong kailangan pa ba? Nandito na ako, and I'll be the one to figure that out.

"Ahm, sa floor kung saan ang office ni Mr..." Napatigil ako nang ma-stuck ang utak ko, napamura ulit ako sa isip ko.

Oo nga pala! Hindi ko alam ang pangalan ng CEO dahil walang sinabi si Kuya Gavin sa akin! Oh, God, this is an epic first day of being an intern. Really, Agatha? Are you just nervous or what? At hindi mo man lang nagawang tanungin ang tungkol doon!

Well, paano nga ba? Dahil sa sobrang unexpected ng pagre-refer sa akin ni Kuya Gavin sa kumpanyang ito, na-stuck ang sarili ko sa kaba.

"Sa office po ni Mr. CEO. Yeah, office ni Mr. CEO." Sabi ko na lamang at agad siyang tumango.

Habang umaakyat ang elevator, nakatingala lang ako habang naghihintay. At nang sabihin ng babae na ito na ang floor kung nasaan ang office ng CEO, nagpasalamat na ako. Pagkalabas ko, una kong ginawa ay ni-check ang documents na dala ko kahit ilang beses ko na ito ni-check. Kailangan ng triple checking dahil hindi na si Kuya Gavin ang boss ko! Ayaw ko namang mapahiya sa first day ko!

Okay, relax, Agatha. Mukhang hindi naman strict ang CEO na makakaharap mo. Friend kaya siya ni Kuya Gavin at nakausap na siya ni Kuya, so expected naman na once na magharap kami ng CEO ay mabait ito at very approachable.

Nang tuluyan na akong makapasok kung saan nagkalat ang mga cubicles, nahihiya man ako pero nagpapatuloy ako sa paglalakad. Kaagad kong napansin 'yong babaeng nandito sa kanyang mesa, nakahiwalay ang mesa niya kumpara sa iba kaya sa tingin ko ay secretary ito or what, sa kanya ako lumapit.

"Hi, Ma'am. Good morning.." Bati ko sa kanya at nginitihan naman niya ako at binati rin pabalik. "I'm Agatha Gabrielle Delos Santos. I am the one who was referred by Mr. Gavin Delos Santos to work here as an intern, Ma'am.. Mr. Gavin Delos Santos of East Horizon." Diretsang sabi ko na bago pa siya magtanong kung ano ang kailangan ko.

Noong una, napaisip pa siya pero wala pang five seconds ay nakuha niya na kaagad iyon. Napatayo siya.

"Ikaw 'yong intern, yes, nasabi nga ni Mr. Delos Santos one time, at nakausap niya na si Mr. CEO." Sabi niya sa akin at tumango ako.

Inabot ko sa kanya ang dala kong folder na nilalaman ng documents ko at sinabing umupo muna ako, at maghintay dahil nasa meeting pa si Mr. CEO.

So, talagang CEO ang makakaharap ko? Like i-interview-hin ako?

Sumunod naman ako, umupo ako sa mga upuan na mayroon ditong nakagilid at naghintay. Hindi ko naman maiwasan ang tingnan ang paligid, lalo na ang mga empleyadong naririto sa bawat cubicles. Lahat sila ay busy sa pagtatrabaho at sinimulan ko namang isipin kung ano kaya ang gagawin ko rito?

Photocopying? O taga-timpla ng coffee? Natawa ako sa naisip ko.

Ten minutes after, napansin ko ang isang lalaking lumabas mula sa isang room, at sa pagkakabasa ko, conference room ito. Tinawag ang babaeng nakausap ko at mukhang tapos na ang meeting ng kung sino mang naroroon, pero alam kong isa roon ay ang CEO. Naiwan ako rito, hanggang sa bumalik ang babae at sinabing pumasok ako sa loob dahil kakausapin ako, nagsimula na ulit akong kabahan.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon