25

116 3 0
                                    

"'Yung gusto ko, may gustong iba. Kasama ko siya ngayon pero pagmamay-ari ng iba ang atensyon niya."

"I am already taken by someone, Oliver.."

"Alam ko, pero gusto ko lang sabihin sa'yo. Gusto kita, matagal na."

Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang sinabi ni Oliver na iyan sa akin kagabi. I've been thinking about last night, ayung pag-uusap naming dalawa hanggang sa natapos sa pag-amin niya. I just can't believe that he likes me at ang sabi niya, matagal na. Gaano katagal? Paano?

Now, tama nga ang nararamdaman nina Dahlia about it. Na may pagtingin sa akin si Oliver, kung bakit ay hindi ko man lang napansin o naramdaman? Masyado akong nagpaniwala sa hindi ko pagbibigay ng malisya sa pagiging closeness namin. Pero ang totoo kasi, parang isang Kuya ang turing ko sa kanya bukod sa isang kaibigan..

"Girls, wala na kayong naiwan na gamit dito, ha? Lalabas na tayo, pero ang sabi ni Ms. Gie, class picture muna tayo wit the beach, so labas na tayo! Tara na!" Sabi ni Dahlia pero sinabi kong mauna na silang tatlo at susunod na ako.

Nang maiwan ako ritong mag-isa sa room, nilabas ko ang phone ko at ni-dial ang number ni Damon. Dahil hindi ko na siya nagawang tawagan kagabi, hindi na kami nakapag-usap na dalawa. At dahil iyon sa.. sa naging pag-uusap namin ni Oliver.

I don't know, parang hindi na nag-functiin ang utak ko at 'yong pag-amin lang niya ang naiisip ko simula pa kagabi. Ngayon, naiisip ko pa rin pero hindi na kagaya kagabi na halos 100% ay occupied ng utak ko ang tungkol doon. Mabuti at hindi na nagtanong sina Naomi nang malaman nilang kasama at kausap ko si Oliver kagabi. At wala rin naman akong balak sabihin pa ang tungkol sa pag-amin niya.

Kumunot ang noo ko nang matapos ang pag-ring ay walang sagot si Damon. Hindi siya sumasagot sa tawag ko. Inulit kong gawin pero wala pa rin. Napatingin ako sa oras, past 11 AM na, probably ay nasa kalagitnaan siya ng klase niya. Pero ang napag-usapan namin, half day lang siya ngayong araw dahil hihintayin niya ako roon sa unit niya sa pagdating ko ngayong hapon.

Nag-send na lang ako ng message kay Damon. Sinabi kong naghahanda na kami pabalik sa Manila at inulit kong sabihin na sa kanya ako unang didiretso pagkarating na pagkarating ko roon. Hindi ko na hinintay pa ang ire-reply niya dahil sa nararamdaman ko ay busy siya sa school ngayon kaya tumayo na ako, kinuha ko na ang mga gamit ko bago lumabas.

Sa paglalakad ko, bumagal ang galaw ko nang kaagad kong mapansin si Oliver na nandito sa veranda ng resort. Hindi lang naman siya ang nandito pero siya ang kaagad kong napansin. Dumapo rin ang mga mata niya sa akin. Ang akala ko, ngingitihan niya ako pero hindi dahil umiwas siya ng tingin sa akin. Umiwas na lang din ako, pero hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot.

Habang nasa byahe na kami pabalik sa Manila, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Oliver sa akin. At iniisip ko kung may magbabago ba pagkatapos nito. Hindi naman imposible dahil ano pa ba ang aasahan ko? He admitted that he likes me, I answered him that I am already taken. At tinapos niya ang pag-uusap namin sa pagsabi niya ulit ng gusto niya ako. Now, what's next? Hindi naman pwedeng umakto lang akong normal na parang walang nangyari.

Alam ko, nasaktan ko siya. Kahit wala naman akong ginawa at kasalanan. Alam ko, nasaktan siya sa sinabi kong may mahal na akong iba. Na may mahal akong iba, at alam kong kilala niya naman kung sino.

Umiling-iling na lamang ako at dumako ang tingin sa labas ng window para sa mga ulap na nadadaanan namin na lang tumuon ang atensyon ko. Isang oras ang lumipas, nakarating kami sa Manila, kanya-kanya na kami ng uwi pero napag-usapan namin ni Naomi na sa kanya muna ako didiretso para iwan saglit ang mga gamit ko. Bago ako magpunta kay Damon.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon