20

128 2 0
                                    

"Agatha, are you okay? Anak?"

Ilang segundo pa bago nag-sink in sa akin na kinakausap pala ako ni Daddy. Napakurap-kurap ako nang tingnan ko siya rito sa reflection namin sa mirror at pilit na ngumiti sa kanya.

"Po? Ano po ang sabi ninyo, Daddy?" Tanong ko sa kanya at natawa siya nang mahina.

"Ang lalim ng iniisip mo, anak. O baka pagod ka. Sabing kahit sa salon na lang ako magpa-hair color." Wika ni Daddy at dito na naging totoo ang ngiti ko.

"Daddy, no, hindi po ako papayag. This is my duty kapag papalapit na ang birthday mo, right? Bawal na i-revise ang duty ko na ito, kundi magtatampo ako. Hmp." Sagot ko sa kanya at natawa ulit siya.

"Okay, okay."

I'm dyeing Daddy's hair now. At sabi ko nga, ito 'yong palagi kong gawin sa kanya kapag paparating na ang birthday niya. If I'm not mistaken, I've been doing this since I was 12 years old! At kung bakit ko ito naisipang gawin sa kanya, it is because ako ang laging kasama ni Daddy noong sa salon pa siya nagpapa-hair color. Kaya naisip ko, what if ako na lang? Madali lang naman para pag-aralan ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagda-dye ng hair ni Daddy. It's already 4 PM na rin, nandito kami sa bahay, dito sa part ng backyard ko kinukulayan si Daddy at nakatapat sa amin ang body sized mirror. Si Ate Gabriela, gumala saglit kasama ang mga kaibigan niya rito sa Pinas. They've been missing her din kaya inaya nila si Ate na magkita-kita sila.

"And done!" Sabi ko nang matapos ko na ang last stroke sa hair ni Daddy.

Humarap ako kay Daddy habang isa-isa ko nang tinatanggal ang suot kong plastic gloves.

"Tapos na po, Daddy. Orasan na po natin. Mamaya-maya, we're gonna see you in a black hair na ulit. Hindi ka magmumukhang Lolo, kundi binata!" Sabi ko at natawa nang mahina.

Actually, dapat kahapon ko pa nakulayan ng buhok si Daddy, but something came up. No, something happened.. At nang maisip ko na naman iyon, kung ano-ano na namang katanungan ang lumilitaw sa utak ko.

Kahapon, noong nagpunta ako sa natatorium para panoorin sana si Damon, nagkasagutan kami dahil sa ilang bagay na ang hirap intindihin kung bakit. At ang pinaka-highlight ng sagutan namin ay 'yong sinabi niyang gusto na niya yata ako pagkatapos niya ako halikan.

"Gusto na yata talaga kita.."

Pagkatapos niyang sabihin iyan, iniwan niya ako sa locker room mag-isa. Naiwan pa ako for about minutes. Hindi ako magalaw after he said that to me! Bumalik na lang ulit ako sa katinuan nang makita ako ng mga swimmers na nasa locker room nila kaya tumakbo na ako palabas.

Damn, totoo ba 'yon? Totoo bang sinabi niya iyon? Na gusto niya na ako? Damon likes me? Totoo ba?

Ba't ba ako nang tanong nang tanong sa sarili ko, eh hindi ko naman masasagot! For that to find out, si Damon dapat ang tanungin ko. Kung totoo ba ang sinabi niya at totoo bang gusto na niya ako. Dahil pagkatapos nun, yes, nag-expect ako na baka tawagan niya ako o i-message man lang para pag-usapan iyon, pero wala. At ngayong araw din, hindi ako makapali kanina sa school sa pag-e-expect ko na baka puntahan niya ako sa classroom, pero wala rin.

Wala pa akong pinagsabihan ng tungkol dito sa kahit kanino sa mga kaibigan ko, kahit na si Naomi ay wala pang kaalam-alam sa sinabi ni Damon sa akin. Hindi pa naman ako sigurado roon, e. What if sinasabi lang iyon ni Damon for some reason? Given na nagsasagutan kami kahapon, posibleng sinabi lang niya para patahimikin ako, 'di ba? Which is naging effective.

At kung totoo mang sinabi lang iyon dahil trip lang niya, katulad ng pinapagawa niya kay Oliver kahapon, I think he's gonna break my heart. Really.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon