12

132 3 0
                                    

Nagising akong mahimbing pa rin ang tulog ni Damon dito sa tabi ko. I am watching him sleeping for almost 30 minutes, and at the same time, taking photos of him. Nakadapa siya at nakaharap sa akin ang mukha siya, he's even snoring pa! Mahimbing pa talaga ang tulog niya.

Gosh, I've been wanting to see this morning view! Sobrang gwapo niya kahit natutulog siya.

It's already 6:10 AM, sobrang maaga pa at sobrang maaga akong nagising. Maybe because maaga rin akong natulog kagabi. Ang sarap ng tulog ko rito sa bed niya, at naging maganda rin ang gising ko. 'Yung unan sa gitna namin, hindi naman na-locate, nandito pa rin sa pagitan namin. First day kong nagising na siya ang una kong nakita at katabi ko pa siya, what a dream come true!

No, nangyari na pala ito. Noong.. Noong may nangyari sa amin. Pero iba itong ngayon, dahil normal lang naman ang nangyayari.

Anong oras ba siya natulog? Hindi ko na kasi alam dahil maaga na nga akong nakatulog. And the last time na naalala ko kagabi ay nag-good night ako sa kanya, at napansin ko pang nagpunta siya sa banyo at narinig ko siyang nagko-curse! Oo nga pala, ayun, parang may kaaway siya? Kausap niya sa phone? Huwag ko na lang isipin ang tungkol doon. Basta ngayon, kasama ko siya, katabi ko siya, but I need to get up now and prepare our breakfast.

Dahan-dahan akong bumangon at umalis sa kama, hindi naman siya nagising. He's really a sleepyhead, lihim akong natawa.

Nakarating ako sa kitchen at napaisip pa ako kung ano ang ihahanda ko ngayon. Nagpunta ako sa fridge at tiningnan kung mayroon bang hotdogs, mayroon naman, at kumuha na rin ako ng eggs. Pagkatapos, nagpunta naman na ako sa stove dala-dala ang frying pan para simulan na ang pagluluto.

Ang limited lang ng mga gamit ni Damon, hanggang dito sa kitchen niya. Isang frying pan lang ang nandito, isang spatula, isang ladle, isang casserole, tig-tatlong plates spoons and forks. Yup, bilang ko na. Kagabi pa habang kumakain kami.

Talagang siya lang ang nakatira rito, limited lang ang gamit for him alone. Pati stocks niya sa fridge, kakaunti lang. Bigla ko namang naisip 'yong scenario na mag-isa lang siyang kumakain rito, which is nangyayari talaga. Ang sad naman kung ganoon!

Wait, wala ba siyang bahay? 'Yung bahay kasama ang parents niya? Hindi ba siya umuuwi sa kanila?

"Oh, my gosh!" Sigaw ko nang matalsikan ako ng mantika, agad kong pinahid ang kamay ko sa apron na suot ko para matanggal ang hapdi.

Inabot ko ang iodized salt at nilagyan ang niluluto ko, ilang saglit ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto. Gising na si Damon, at papalapit na siya rito sa akin.

"Hi! Good morning!" Bati ko sa kanya at hindi ko siya matingnan dahil sa niluluto ko. Kailangan kong ma-perfect ang niluluto ko pero kanina pa palpak ang dalawang sunny side up ko!

"Morning." Bati naman niya sa boses niyang kagigising, but it sounds sexy. "What are you cooking?"

"Ahm, hotdogs and eggs! I'm making our breakfast, Damon."

Hotdogs and eggs, at may bread naman na siya. Because seriously, hindi ko alam magluto ng kanin kahit gustuhin ko mang magluto. At wala siyang bigas dito.

Nang maluto na, nilagay ko na ito sa isang plate at inilagay na sa dining table, nakaupo na rito si Damon. Topless pa rin siya at magulo ang buhok niya, at habang ako, oversized shirt pa rin ang suot ko.

"Dapat hindi ka na nagluto, pwede namang mag-order na lang tayo." Sabi niya sa akin, sakto lang ang emotion niya habang nakatingin sa pagkain.

"No, okay lang naman. Ahm, gusto mo ba ng coffee? Mainit na 'yong water sa dispenser, ipagtitimpla kita."

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon