"Psst, Agatha. Nahahalata naming close na kayo ni Oliver ah. Nakita naming nagpaalam ka pa sa kanya bago mo kami lapitan." Sabi ni Elisse nang makalabas na kami sa classroom namin.
At napansin pa talaga nila na nagpaalam ako kay Oliver bago ako lumapit sa tatlo.
"Oo nga, ano 'yon? Bago mo nang crush?" Sabi naman ni Naomi na kaagad kong tinanggihan.
"No!" Defensive kong sagot sa kanya. "We're seatmates kaya kapag may seating arrangement, kaya siya ang kausap ko palagi." Sabi ko pa pero hindi sila maniwala, para silang nang-aasar. Hindi naman ako mapipikon dahil, duh, hindi ko na ipagpapalit si Damon as my crush and ideal guy!
Dahil vacant, kinwento ko na lang sa kanila ang mga kwentong alam ko na galing at tungkol kay Oliver. Oo nga pala, ngayon ko lang sa kanila ita-topic itong mga nalaman ko about him at nang sabihin kong student pilot si Oliver from the other school, nagulat sila. Hindi rin nila alam, ngayon lang nila nalaman. At lahat ng nalaman ko, kakaalam lang din nila ngayon.
Even Dahlia na akala ko, siya ang pinaka-updated sa bawat ganap ng students na kilala rito o tinatawag na sikat, ngayon lang din niya nalaman. Na parang side course lang ni Oliver itong Tourism, nag-aaral din siya sa ibang school ng Aviation, at pinagsasabay niya iyon na dalawa ngayon! Gulat silang tatlo, gulat na naa-amaze din tulad ko noong una ko ring malaman!
"Kaya pala madalang ko lang siyang mapansin dito sa campus. At ahead pa pala siya sa atin, girls! Inakala ko ngang repeater siya! Hala, judger." Sabi ni Dahlia at natawa.
Natawa na lang din ako sa sinabi niya hanggang sa maisip ko na naman ang tungkol kay Oliver. At oo nga pala, sinabi niya sa akin kanina na hindi siya papasok bukas dahil doon siya sa kabilang school dahil may flight na naman daw sila. Pareho kaming natawa sa term na ginamit niya, flight dahil magpapalipad na naman sila ng plane!
Bigla naman akong na-curious kung ano ang feeling magpalipad ng plane. Tinanong ko si Oliver, ang sabi niya ay parang nagpapalipad lang ng kite! Hindi naman ako maniwala! Hindi ba siya kinakabahan? Well, siguro ay kabisado niya na.
"Agatha, baka sa kanya ka na magkagusto ah. Baka ma-transfer na 'yang pagtingin mo kay Damon kay Oliver! Ayiee!"
Bumalik ang tingin ko kay Naomi nang sabihin niya iyon at agad akong umiling. "Hindi ah! Si Damon ang gusto ko. Siya lang!"
"Pero ang gwapo rin talaga ni Oliver. Mukha talagang actor sa KDrama. Tapos pilot pa in the future!"
Natawa ako nang pabirong sinampal ni Naomi ang pisngi ni Elisse dahil sa sinabi niyang iyon.
"Hoy, may jowa ka na. Ibigay mo na lang sa akin si Oliver."
"Edi ayan! Napaamin ka rin! Agatha, gumawa ka ng way para magkausap si Naomi at Oliver at mag-getting to know each other!"
"Hala? Biniro lang kayo!"
Bigla ko namang naalala na may training sina Damon ngayong araw. Gosh! Oo nga! Ngayon iyon at ngayong oras na! Napatingin ako sa wristwatch ko at nanlaki ang mga mata ko.
"Girls, aalis muna ako! May training sina Damon ngayon sa natatorium!" Sabi ko sa kanila at hindi naman na sila nagugulat sa pinagsasasabi ko.
"Alam namin, kanina pa, 'di ba? Hindi namin pinaalala." May pang-aasar na sabi ni Naomi at oo nga pala, nakwento ko pa sa kanila kagabi sa video call na may practice sina Damon today, pero nakalimutan ko?!
Mukhang nawala rin sa utak ko dahil sa dami nang pinapagawa! At ang isa pa, dahil ata sa hindi kasama si Oliver sa training ngayon? Naging tanungan ko na rin talaga siya eh, and guess what? Bukod na kay Damon ay isa na siya sa pinapanood kong mag-swim sa pool!
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...