43

193 6 4
                                    

"How's Kuya Sandro, Ate Seline?" Tanong ko sa hipag ko nang pagbuksan niya ako ng pinto ng silid nila.

"Okay naman na siya, Agatha. Nagpapahinga na lang. Medyo mataas pa rin ang BP, pero huwag kang mag-alala. Magiging okay din ang Kuya Sandro mo, Agatha."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pag-aalala pa rin kay Kuya Sandro. Kanina, nahimatay siya pagkatapos kong sabihin na buntis ako. Noong una, inakala ko ngang nagbibiro lang siya nang bumulagta siya sa sahig. Pero nataranta kaming lahat nang hindi siya gumising nang daluhan siya ni Kuya Gus. Kamuntikan na namin siyang isugod sa hospital pero nagising din siya pagkatapos ng ilang minuto.

At ito nga, 'yong sinasabi kanina ni Kuya na mukhang mataas ang presyon niya ay totoo. Mataas ang blood pressure niya at hindi ko alam kung dahil ba talaga sa akin lalo na't nalaman niyang buntis ako. Dahil kanina pa nang bumalik ang malay niya, hindi niya na ako pinansin.

"Agatha, huwag ka nang mag-alala. Magpahinga ka na rin, kayo ng baby." Malambing na sabi ni Ate Seline at hinawakan ang kamay ko. "Tampo lang ang dahilan kung bakit nag-iinarte ngayon ang Kuya mo."

Nagtatampo nga talaga si Kuya Sandro sa akin, hindi ko alam pero nalulungkot ako. Gustuhin ko man siyang lapitan ngayon at kausapin pero ano ang sasabihin ko? Para namang ayaw niya rin akong makita sa oras na ito.

"Tell him I'm sorry, Ate Seline.."

"Agatha, ano ka ba? Wala kang dapat ipag-sorry." Saway ni Ate Seline dahil alam niyang nalulungkot na talaga ako, dumako ang kamay niya sa tiyan ko. "Masaya kami para sa iyo. Magkaka-baby ka na rin, Agatha." At unti-unting bumalik ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Ate Seline.

Tanggap ko naman na mas namamayani sa lahat ang gulat dahil sa revelation ng pagbubuntis ko ngayong gabi, kaysa saya at pagtanggap nila. That's normal, right? Hindi ba't ako nga, kaba at takot ang una kong naramdaman kaysa saya na magkaka-baby na ako? Pero sana ay tulad ko, matanggap din nila ang baby ko. Pati ang pagpili ko kay Damon.

Nang makababa na ako sa hagdan, luminga-linga ako kung nasaan ang boys na iniwan ko rito, at natagpuan ko silang nasa garden kaya lumapit ako sa kanilang tatlo—si Kuya Gavin, Daddy at Damon. Si Kuya Gus ay umuwi na kasama ang pamilya niya, habang si Ate Sienna naman ay nauna nang pinahatid ni Kuya Gavin sa bahay nila. Malalim na rin kasi ang gabi, it's already past 9PM!

Nakalapit ako sa kanila at kaagad akong napansin ni Damon. Sa kanya ako lumapit upang kumapit sa kanyang braso, ewan ko pero cute na cute ako sa kanyang suot ngayon ay jogger at plain white shirt ni Kuya Sandro. At ewan ko kung bakit ay may lakas ng loob akong maging clingy kay Damon sa harap ni Daddy at Kuya Gavin ngayon!

So, this is how pregnancy works, huh?

"Agatha, hindi ka pa ba pagod? Mahaba pa ang byahe mo kanina." Sabi ni Kuya Gavin at umiling ako.

"Nope, not yet." Pero tinawanan nila akong tatlo nang mag-yawn na ako. "Sabing not yet!"

Nang tingnan ko si Damon, nakangiti lamang siya habang nakatingin sa akin. Sunod ko namang tiningnan si Daddy, ganoon din siya. Wait, okay na ba silang dalawa? Or okay ba silang dalawa?

Nagtaka naman ako nang hindi na sila nagpatuloy sa pag-uusap na tatlo, ano ba ang pinag-uusapan nila at mukhang hindi ko pwedeng marinig?

Ilang saglit ay pinangunahan ni Kuya Gavin si Damon na kailangan na nitong umuwi, bigla naman akong nainis dahil ayaw ko pa sanang pauwin si Damon! Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Kailangan nang umuwi, baka rito pa matulog, e. Mas tumaas pa ang presyon ni Sandro kung paggising niya ay makita ka, Mr. Salvador." Pagpaparinig pa ni Kuya Gavin.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon