"Agatha, sigurado ka ba talaga? Kinakabahan ako! What if biglang tumawag si Tito Gab sa akin? Tanungin kung ano ang ginagawa mo? Tapos hindi tugma sa sagot ko dahil nauna ka na pala niyang tinanong?! Hinuhuli lang pala tayo?!" Mga sinabi ni Naomi sa akin habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko rito.
Tumigil muna ako sa pagtutupi para tingnan siya ritong nakaupo sa bed ko. Naka-Indian sit siya habang pinapanood ako sa ginagawa kong pag-iimpake. Mukha na naman siyang problemado, problemado sa pagdamay ko ulit sa kanya bilang palusot!
Pumayag na si Daddy. Pumayag na si Daddy sa hindi ko pag-uwi rito sa bahay nang ilang araw. At ang sinabi kong palusot ay napag-usapan namin ni Naomi na maganda sana kung mag-stay ako sa condo unit niya. Bukod sa sinabi kong gusto naming magturuan sa pag-aaral, gusto kong ma-feel maging independent kahit sa ganoong way lang.
Sinabi ko rin kay Daddy na kahit hindi na ako payagan mag-condo, mas gusto ko namang may kasama. At okay lang naman kay Naomi, kahit ang totoo ay wala pa siyang idea sa plano kong ito nang sinubukan kong ipaalam kay Daddy. And surprisingly, pumayag si Daddy, kaya tuwang-tuwa ako!
"Hindi 'yan, okay? Tsaka, 'di ba, magtatawagan tayo. Kung tinatanong ako ni Daddy or may sinabi siya, I'll give you updates. Tapos kung sa'yo naman, you'll update me. Ganoon lang iyon." Sagot ko sa kanya at napakamot siya sa ulo niya.
Nang sabihin ko naman ito kay Naomi, itong plano kong napayagan na ni Daddy, gulat na gulat na naman siya at sinisermunan. Hindi niya inakala na talagang gagawa at gagawa ako ng paraan sa sinabi ni Damon, at dinamay ko pa siya. Nilambing ko si Naomi dahil at first, ayaw niya talaga. Hindi sa ayaw niyang madamay siya sa ginagawa kong ito, kundi ayaw 'yong inaalok ni Damon sa akin! Na tumira roon sa condo ni Damon.
Pero pumayag din naman siya dahil sinabi kong gusto ko iyon, sinabi ko ang mga rason ko sa kanya at wala na naman siyang nagawa sa huli. At ang nasabi na lang niya ulit ay "Gusto mo nga talaga ang isang iyon. Patay na patay ka na talaga, Agatha." Hindi ako tatanggi.
Pumayag si Daddy na hindi ako uuwi rito sa bahay for how many days, but it doesn't mean na hindi na ako uuwi rito once na umalis na ako. My schedule every week, Thursdays to Saturdays ay wala ako rito sa bahay. Saturday ng hapon ang dapat na uwi ko. Then hanggang Wednesdays, dito ako sa bahay.
Sinabi ko ito kay Damon, nag-sorry pa nga ako sa kanya dahil sinabi kong hindi pwedeng mag-stay ako sa kanya nang buong linggo, linggo-linggo, buwan-buwan.. Pero teka, hanggang kailan ito?
Pumayag naman siya sa sinabi ko at okay naman nang ganoon, at naiintindihan niya.
"So paano? Hindi mo rin ba ito sasabihin sa dalawa?" Tanong naman ni Naomi sa akin, tinutukoy niya si Dahlia at Elisse.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi na rin."
"Eh, mapapansin nila iyan. Ayun pa ba? Magtataka sila kung kinabukasan, makita na lang kayong sabay na pumapasok ni Damon sa campus. Hindi lang silang dalawa, 'yong iba pa."
"Maganda iyon, right?" Naging masigla ang tono ko. "Parang sila na ang mag-iisip na may something sa amin ni Damon." Sagot ko sa kanya at para siyang na-cringe sa sinabi ko.
Wala namang problema roon kung magtaka man sina Dahlia, na one day, makikita nila kami ni Damon na magkasama nang madalas. Like sa pagpasok or uwian, o kahit vacant! Kung ano ang nakikita nila, ayun lang ang sasabihin ko at bahala na silang mag-isip. But about the baby, para sa aming dalawa lang ni Naomi ito.
"Pasalamat ka, may demonyo kang kaibigan na kayang kunsintihin 'yang kabaliwan mo, Agatha."
Natawa ako sa sinabi niya at nagpatuloy na lang sa pagtutupi, nagpatulong na ako sa kanya. Hindi na matanggal ang ngiti ko, tomorrow is Thursday na and meaning, bukas na ang first day ko with Damon, doon sa condo niya!
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...