Halos one month na rin ng pagiging intern ko rito sa kumpanya ni Damon. Wala namang nagbago, pero inaamin ko, nag-e-enjoy ako sa pagtatrabaho rito. Though, madalas akong mairita dahil "substitute secretary" talaga ang role ko rito dahil sinasama ako ni Damon sa bawat meetings niya! Hindi na rin ako umaayaw, dahil bukod sa wala akong magawa, magandang experience siya at mailalagay ko ito sa internship report ko.
At isa pa, may deal kami ni Damon na allowance na ibibigay niya sa akin. I am looking forward for that, dahil malapit ko nang matanggap ang first allowance ko.
Bago ko pa tuluyang isipin ang allowance na iyan, ibinalik ko ang atensyon ko sa kinaroroonan ko ngayon at sa mga kasama ko. Nandito ako sa conference room kasama si Damon as the CEO at kung sino pang mga businessmen na naririto.
"Right. As per Mr. Chua and Mr. Suzuki, may pinapatayo silang building, and they are very much willing to engage their company with us. Sa atin sila kukuha ng resources na kakailanganin nila, dahil tiwala sila sa atin. Well, sino ba naman ang hindi, 'di ba?" Narinig kong sabi ni Damon sa mga kasama niya.
Seriously, hindi ko naiintindihan nang buo ang pinag-uusapan dito. Not totally, maybe because nabo-bore na ako or gutom na ako. Nag-start ang meeting na ito nang 11 AM, at ngayon, 12:25 PM na! Ilang minutes na lang ang natitirang break ko! Hindi na nga ako nakasabay kina Miss Mia.
Gustuhin ko mang umalis dito ay hindi ko naman magawa dahil inutusan ako ni Damon na sumama sa kanya at i-take note ang mga mapag-uusapan which is nagawa ko naman. I suppose. I am really starving, lalo na't ang dami ko ring ginawa simula kaninang umaga.
Nandito ako sa loob ng conference room pero nandito lang ako sa gilid, nakaupo at tahimik na nanonood at nakikinig sa presentation at sa mga nagsasalita ritong bisita ni Damon na tulad niya ring kumpanya ang inaasikaso.
"Well, Mr. Delos Santos is planning to have a deal with you, Damon."
"Yes, Tito. He already told me about that."
Delos Santos? Si Kuya Gavin ba ang tinutukoy nilang Delos Santos? Mukhang oo, siya lang naman ata ang Delos Santos na may connection sa kumpanyang ito.
Oh, so Kuya Gavin and Damon are really that close to each other, huh? Paulit-ulit ako sa tanong na iyan, kahit halata naman! Ni rito nga ako ni-refer ni Kuya Gavin!
Ilang saglit ay natapos din ang meeting, mabuti naman! Isa-isa na silang nagpaalam kay Damon, hanggang sa tumayo na rin si Damon kaya tumayo ako at sumunod sa kanya. Nakabalik kami sa office niya na dala-dala ko itong notebook ko kung saan ko isinulat ang mga napag-usapan nila.
It's just the summary in a bullet form. Kung hindi siya ma-satisfy dito, bahala siya! Hindi ko naman dapat ito ginagawa!
"Ito 'yong naisulat ko.. Sir."
Lumapit ako sa kanya rito sa table niya at nilapag dito ang notebook. Tiningnan niya naman ito at tumango siya. Normal lang ang reaksyon niya. Hindi nakangiti, hindi naman galit, kundi napaka-seryoso at pormal talaga ng pakikitungo niya sa akin.
Hindi man lang siya nagpasalamat sa pagsama ko sa kanya!
Teka, bakit pa ba? Eh, may allowance pala itong kapalit.
Argh, kahit na!
"Can I eat na po ba, Sir?" Diretsang ko sa kanya dahil ngugutom na talaga ako, napatingin na siya sa akin.
"Stay here." Sagot niya na para bang ayaw pa akong paalisin.
"Ha?" Tanging nasabi ko at kunwari pang napatingin sa relo ko.
Talagang ipinakita ko iyon sa kanya kaya napairap siya. Siya ba, hindi pa nagugutom?!
"May parating nang pagkain dito." Wika niya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit niya sa desk niya.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...