Hindi galing kay Damon 'yong mga pagkaing kinain ko kahapon. Tuwang-tuwa pa akong kinakain iyon dahil akala ko, galing kay Damon, tapos hindi pala?! Kanino ba galing iyon?!
"Oh, Agatha, baka itapon mo na 'yong mga natira pang cookies ngayong nalaman mong hindi pala si Damon ang nagbigay nun." Sabi ni Dahlia sa akin at napaisip ako sa sinabi niya.
Iniisip ko na nga iyon eh, ngayong hindi pala galing kay Damon ang mga iyon, nawalan na ako ng ganang kainin! Kanino ba kasi galing iyon?!
Kahapon, pag-uwi ko, nag-message ako ng Damon. Nagpasalamat ako sa fresh cut fruits, cookies at apple pies na ipinadala niya sa akin kahapon, na akala ko sa kanya galing. Tumawag siya at sinabi sa aking hindi siya ang nagbigay ng mga iyon! Sa kanya ko na lang din nalaman na hindi galing ang mga iyon sa kanya at sobrang nakakahiya! Nagmukha tuloy akong assuming dahil sa pag-iisip ko na sa kanya galing iyon, na para bang siya lang ang taong gagawin iyon para sa akin.
Sinabi ko ito sa tatlong kaibigan ko at nagulat din sila, napapaisip din sila kung sino naman ang nagbigay sa akin ng mga iyon. Walang nakakaalam, kanina nga bago kami mag-first class, tinanong nina Dahlia ang classmates namin kung kilala ba nila o namumukhaan nila kung sino 'yong naglalapag ng pagkain sa armrest ko pero ang sagot nila, hindi nila napansin.
"I'm sure, isa lang iyan sa mga nagbabalak ligawan ka, Agatha! At hindi naman na iyan bago! Noong birthday mo nga, ang daming nagbigay sa'yong pagkain, 'di ba?" Wika ni Naomi at nag-agree ang dalawa sa kanya.
Iniisip ko kung sino sa kanila pero kahit malaman ko naman at ano ba ang magagawa ko? Ang nakakahiya kasi, in-assume ko na galing kay Damon! Kilig na kilig pa ako kahapon!
Nabasag ang kilig ko dahil hindi pala galing kay Damon. Ang sarap pa ng mga pagkain na iyon. Kung kanino man galing iyon, salamat na lang sa kanya.
Pagkatapos ng 30-minute vacant namin, we decided na magpunta na sa room for our next class. Pagpasok namin sa classroom, daldal pa kami nang daldal na tatlo nang pareho rin kaming napatigil dahil sa one box of donuts na nandito sa armrest ko.
"Oh, another one. Mukhang balak ka yata talagang busugin everyday, babe!" Sabi ni Dahlia at nakangiti siya nang buo.
"Krispy Kreme, aayaw ka pa niyan, Agatha?!"
"Sige, inyo na. Kainin na ninyo." Sabi ko at agad na binuksan ni Elisse at siya ang unang kumuha.
Umupo ako sa upuan ko habang nagkakagulo ang tatlo sa pagpili ng flavors na gusto nilang kainin sa donuts na nandito. Argh, kung kanino ito galing, alam ko sa taong nagpadala sa akin kahapon! Dahil wala namang sinasabi si Damon! Wala dahil hindi naman siya--
Napatigil ako sa pakikipagtalo sa isipan ko nang mag-vibrate ang phone ko, nang tingnan ko kung sino ito, napangiti ako kaagad! Si Damon!
From: Hubby
Already had the first bite? 🍩
"OMG, sa'yo galing ito?" Tanong ko sa kanya at nag-reply siya ng yes. Nagpasalamat ako sa kanya.
Gosh, sa kanya galing ang donuts ngayon! I have to stop these three bago pa nila ubusin ang ibinigay sa akin ni Damon.
"Girls, kay Damon galing ito! Look, nag-message siya sa akin." Masigla kong wika sa kanilang tatlo at ipinakita ang message niya. 'Yung message lang niya na sinabing sa kanya galing, baka may mabasa pa silang iba eh.
"Wow, edi wow! Sarap! Pakisabi, isang box pa." Sabi ni Naomi habang ngumunguya.
Hindi ko na ulit mapigilan ang ngumiti, kaya napakain na rin ako ng donut at sinabi sa kanilang magtira sila for me. Niloko naman ako ni Naomi at sinabing nagselos ata si Damon sa nagbigay sa akin kahapon kaya napabigay ulit ngayon. Kinilig naman ako dahil sa sinabi niya, kahit alam ko namang malabo iyon mangyari.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...