"Agatha! Faster! Baka ma-late tayo sa first showing nung movie!" Sigaw ni Naomi sa akin kahit nakalabas na nga ako ngayon galing sa bank.
Umirap ako sa kanya. "Nandito na nga ako, okay?" I answered.
Natawa naman siya, silang tatlo ni Elisse at Dahlia. Sumakay na kami sa car ni Elisse, siya mismo ang nagda-drive. Nandito ako sa backseat katabi si Naomi. At habang nasa byahe kami, bigla ko namang namalayang hawak ko pa pala ang money na ni-withdraw ko kani-kanina lang. It's 20,000 cash. Nilagay ko ito sa sling bag na dala ko ngayon, nang makarinig ako ng pagtawa mula sa mga kasama ko.
"Nakakatawa lang, bakit check ang binibigay sa'yo ng Kuya mo? Wala ka bang credit or debit card, o kahit ATM man lang, Agatha? Check talaga ang inaabot sa'yo?" Biglang tanong ni Dahlia sa akin.
"Totoo! I mean, kung sino pa ang pinakamayaman at pinaka-galante rito sa atin, siya pa ang walang cards or bank! Tingnan ninyo itong si Agatha, pang-shopping lang 'yang 20,000 na 'yan." Pagdaldal naman ni Naomi.
Napaisip ako sa mga sinabi nila, though totoo naman. No, hindi pala. Hindi totoo 'yong sinasabi nilang galante at mayaman ako. Ang totoo, wala pa ring binibigay na any cards related sa bank si Daddy sa akin. I'm already 19 years old pero wala pa? Kumpara naman sa mga kasama ko.
Oo nga, 'no? Bakit kaya? At sa pagkakaalam ko, hindi namin napag-uusapan ni Daddy ito. Or even siya na tinatanong ako or nababanggit ang tungkol dito. Am I too young for that? O baka naman sa tingin ni Daddy ay gastador talaga ako at hindi pa pwede. Well, mukhang oo naman talaga na galante ako. Kaya nga palagi akong pinapagalitan ni Kuya Gavin!
He always make asar about me at sinasabihan ng spoiled brat! Kahit totoo naman talaga!
"Wala pa rin. I don't know nga kay Daddy or Kuya kung bakit hindi pa rin ako ginagawan. Or kung naiisip man niya." Mga sagot ko at napanguso. "But there's nothing to worry naman. May pera pa rin ako!" Natawa silang muli at nakitawa na rin ako.
Nakarating kami sa mall at agad na kaming bumili ng makakain. Chips, popcorns and sodas, ayan lang muna dahil after panoorin ang movie, kakain naman kami sa KFC, the fastfood chain we've been craving for.
"Walang magkukwento ah! No spoilers and daldalan! Makakasapak ako." Banta ni Naomi at natawa kaming apat.
Nagkukwentuhan pa kaming apat habang nakaupo na rito sa loob ng sinehan! Mabuti at nakaabot kami and we have the perfect spot here sa cinema! Today is holiday and hindi na rin ako magtataka bakit puno ang sinehan ngayon. Dahil bukod sa holiday nga, the movie we are about to watch is a great one kahit hindi pa man namin napapanood! It's a Hollywood romantic movie lang naman. Well, we are fans of this kind of genre, by the way.
Nang mag-umpisa nang mag-flash ang sinehan ay tumahimik na ang apat sa amin. Nag-concentrate na rin ako, hanggang sa mag-umpisa at kumahalati na ang movie. Nakakagat ko ang ibabang labi ko nang walang kamalay-malay, whenever the scene gives me chills and kilig. Lalo na nang, uhm, love scene ito. Though hindi naman siya detailed, it's more like kissing.
I bit my lips while watching the two characters still kissing. Napalunok ako, hanggang sa bigla kong ma-imagine na.. na ako 'yong girl at si.. si Damon 'yong guy. I blushed because of that imagination! Sinubukan kong mag-concentrate na lang ulit pero no, dahil bigla na ulit tumatak sa isip ko si Damon! Gosh, is it legal?
Hindi naman siguro masamang isipin ang dream guy mo na kahalikan mo? Because I always think of that. I admit it! Darn it!
Kumusta naman si Damon ngayon? Nakagat niya na naman ba ang dila niya? O kumusta kaya siya today? Ano ang ginagawa niya?
Sa kakaisip ko na si Damon 'yong guy, masyado akong nag-enjoy kaya nabitin ako nang tapos na pala. Hindi pa ako tumayo agad nang bumukas na ang ilaw dito sa cinema.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...