"Kumusta sa bahay?"
"Ang sabi ni Manang, kahapon ay nagpupumilit na namang makita si Agatha. Halos ilang oras daw nandoon ang lalaking iyon. Medyo naawa si Manang kaya lumabas siya para sabihing wala sa bahay gusto niyang makita."
"Naawa pa si Manang sa lalaking iyon. Kung ako ay baka hinayaan ko lang na maghintay sa wala iyon. Buong magdamag."
"Kaya nga, kung ako rin ba! Kung nakita mo lang 'yong sapak ko nung nagpunta siya roon sa bahay, Kuya Gus, baka palakpakan mo ako."
"Augustus, Sandro, hindi maganda ang iniisip ninyong iyan."
"Daddy, sorry po. Pero kasi ayun talaga ang naiisip at nararamdaman ko ngayon. Hindi po ba't masamang magkimkim? Kaya nga sinasabi ko na lang po sa inyo. Hehe."
Napailing-iling ako sa narinig kong usapan nina Daddy at ng tatlong Kuya ko. Tuluyan na lang akong lumabas para magpakita sa kanila at medyo natawa pa ako sa pagkagulat nila. Ayaw talaga nilang ipaalam o iparinig sa akin ang pinag-uusapan nila.
Nagkunwari akong walang narinig at dire-diretso lang na lumabas hanggang sa part nitong seashore kung nasaan ang mga pamangkin at in-laws ko. Nilapitan ko sina Kei at Isaac na gumagawa ng sand castle para sumama sa ginagawa nila.
Nandito kami ngayon sa isang private beach resort dito sa Batangas because we are having our family vacation! Pang-apat na araw na naming itong pag-stay namin ngayon dito sa resort, at bukas ay uuwi na kami dahil uuwi na rin ako sa susunod na araw sa California.
Sobrang na-enjoy ko ang vacation na ito kasama ang buo at lumalaking pamilya ko. Parang naging despidida ko na rin ito, at sayang nga lang dahil kung walang flight sina Naomi, Dahlia at Elisse this week ay kasama ko dapat sila ngayon. Alam ko kung gaano na sila ka-busy sa kanya-kanya nilang mga buhay. Kaya ang napagkasunduan namin ay sa araw ng pag-alis ko, kasama sila sa paghahatid sa akin sa airport dahil saktong off nila iyon.
Nakangiti lang ako habang nakikipaglaro sa mga pamangkin ko, pati ang babies pa ay naglalaro na rin dito sa sand with their sand bucket and shovel.
"Tita Agatha, gawin ka naming mermaid ni Kei." Sabi ni Isaac at napa-oo naman ako. Tuluyan akong umupo nang naka-stretch ang legs ko, naka-two piece ako kaya malaya nilang malalagyan ng sand ang legs ko.
"Agatha, good luck sa internship presentation mo, ha? Ngayon pa lang, proud na kami sa iyo." Sabi sa akin ni Ate Seline na nariritong nakaupo rin sa and habang binabantayan ang anak niya.
"Good luck, Agatha! Alam naming kaya mo iyan!" Sabi naman ni Ate Ria na halata na sa tiyan niya ang pag-umbok nito.
"God bless, Agatha. We are proud of you." Wika naman ni Ate Sienna.
Lumawak lalo ang ngiti ko sa kanila. "Thank you, mga Ate! I love you, Ate Sienna, Ate Ria and Ate Seline." Sabi ko at isa-isang inabot ang mga kamay nila.
"We love you, too, Agatha."
Habang busy ang mga bata sa kakalagay sa akin ng sand, nakikipagkwentuhan ako sa mga hipag kong naririto sa tabi ko. Pare-pareho kaming nakaupo rito sa sand, ini-enjoy ang ganda ng sunset at paligid.
Kung noon na magaan ang loob ko sa mga hipag ko, mas gumaan ngayon. Para talaga silang naging mga Ate ko, na nariyan na gumagabay at sumusuporta sa akin. Ever since kahit noong girlfriends pa lang sila ng mga Kuya ko. At masaya akong hindi lang bilang in-laws ang relationship ko sa kanila, kundi nararamdaman ko ang sisterhood sa aming apat dito. Lima pala, isama na natin si Ate Gabriela.
Hanggang 6 o'clock ay nandito kami sa seashore. Pati ang boys ay nandito na ring nakikisama sa amin. Naglalaro kami ng habulan at si Kuya Augustus ang taya. Kung tutuusin ay ayaw niyang sumama pero pinilit namin siya. At dahil siya ang pinaka-KJ sa aming lahat, siya ang taya!
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...