47

157 1 2
                                    

Second day. Pangalawang beses na sumama ulit ako kay Damon dito sa opisina niya. At natutuwa akong hindi naman nangyari 'yong iniisip kong baka may maiba sa trato nina Miss Mia sa akin, o mailang ako sa klase ng tingin nila. Hindi, hindi nangyari at walang nagbago sa pakikitungo sa akin ng mga empleyado ni Damon kahit ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya, sa lahat!

Sa totoo nga, ang babait nilang lahat sa akin! Kinumusta pa nga ako ni Miss Mia, at balak ko sanang makipagkwentuhan kanina sa kanila nang ma-realize kong marami pala silang tinatrabaho. At natutuwa rin akong nakilala ko na ang secretary ni Damon!

Oo nga pala, naalala ko, kagagaling lang ng secretary niya from maternity leave. Kapapanganak pa lang ng babaeng ito. Sa hula ko, para nasa mid 30s ang age ng secretary ni Damon. So, Mommy na pala ito, pwede ko kaya siyang istorbuhin kung wala nang ipapagawa ni Damon sa kanya? Gusto ko lang sanang makipagkwentuhan, about her baby and how it feels to be a mother.

Nandito ako ngayon sa sofa na mayroon dito si Damon sa mini living room niya, dito sa loob ng office niya. Nakahiga ako, na para bang nasa bahay ako. Habang siya naman ay nakasubsob sa trabaho roon sa table niya.

Patawa-tawa ako rito habang pinapanood ang videos ng babies ni Kuya Gus at Kuya Sandro sa akin. Just random videos ng mga pamangkin ko sa kanilang dalawa. Aliw na aliw ako sa mga video at hindi ko mapigilang isipin ang thought na kapag lumabas na ang baby namin ni Damon ay baka sumabog ako sa sobrang aliw at saya.

I think mas hihigitan ko ang mga Kuya ko sa pangongolekta ng videos ng baby ko. Baka time to time ay kukuhanan ko nang kukuhanan ng videos at pictures ang baby namin ni Damon, hanggang sa lumaki ito! I can't wait to carry and kiss my baby!

Gosh, buntis na ako pero mas tumitindi ngayon ang baby fever ko. Napahimas ako sa tiyan ko. Hindi pa siya ganoon ka-visible. Three months pa lang, but the doctor said na unti-unti na itong lalaki nang hindi ko namamalayan. Na aakalain kong busog ako pero hindi pala, kundi si baby na ito.

"What's making you laugh, babe?"

Napalingon ako kay Damon, nakaharap naman ako sa direction na kinaroroonan niya mula rito sa pagkakahiga ko. Nakikita namin ang isa't isa.

"Video ng babies ni Kuya Gus at Kuya Sandro, babe. Naaaliw ako!" Masiglang sagot ko sa kanya. "Do you want to see the videos, too?"

"Ahm, sige."

Bumangon ako para maglakad palapit sa kanya, hinila niya ako para sa lap niya maupo. Pagkatapos, sabay ulit namin pinanood ang kani-kanina lang na kinaaaliwan ko. Natatawa pa rin ako, dahil sa cuteness ng mga pamangkin ko. Magkakaibang videos na ni-send ni Kuya Sandro at Kuya Gus sa akin.

"Someday, we'll do that, too." Pagtukoy ni Damon sa pinapanood namin ngayon na video from Kuya Gus. Kuya's baby boy playing with his nose.

Natawa ako at sumandal sa kanya. "Yeah, ako rin. I can't wait for that to happen, babe. I'm gonna take a video of that, ha!" Wika ko at hinalikan niya ako sa balikat. "Pero baby boy ang gusto mong first baby natin?" Tanong ko naman at ito ang unang beses na maitanong ko ito sa kanya. Hindi ko pa pala natatanong ang tanong na ito sa kanya.

"Hmm, yes. Pero kung ano ang ibigay sa atin, tanggap ko, mamahalin ko. As long as ikaw ang nanay."

"Of course, ako lang dapat ang nanay ng lahat ng mga magiging anak mo! Ha?!" Natawa kaming dalawa roon, kinuha ko ang kamay niya para i-intertwine ito sa akin. "But I want our first baby to be a girl, though."

"So... Magkalaban tayo sa gender reveal?"

Ngumuso ako, medyo nakaramdam ng inis. Inis na ewan ko kung saan ko nakuha at saan ko nararamdaman. Siguro, sa thought na iba ang gender ng baby na gusto namin ni Damon! Team boy siya, habang ako ay team girl! Sino-sino kaya ang mga kakampi ko sa pamilya ko?

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon