Chapter 7

1.6K 43 2
                                    

"GIVE HIM MORE," his friend demanded their other friends. Naramdaman na lamang niya ang pagturok sa kanyang braso ng kung ano. Sa pakiwari niya ay may dalawang lalaking naghahawak sa kanya at ang isa ang nagturok sa kanyang braso ng droga.

Hindi na niya maalala kung papaano siya napunta sa sitwasyong iyon. Ang alam niya lang ay tila ba nakalutang na siya. He's now dizzy and his world is spinning but he feels so light and everything seems like flying. He's like flying. Para siyang nasa alapaap pero ayaw niya sa pakiramdam na iyon.

Naririnig niya ang mga kaibigan niyang nagtatawanan at tila ba nagkakasiyahan. Gustong gusto niyang makisali pero pakiramdam niya ay lumilipad ang lahat.

Is this being high feels? He asked himself. Oo masarap sa pakiramdam pero may matinong parte pa ng isipan niya ang nagsasabing mali ang ginagawa niya. His mind is telling him to stop and at the same time, it's also telling him to enjoy the feeling.

Pakiramdam niya ay wala siyang problema. He's high and it feels like he can do anything. . . except for taking another shot of drugs.

"Tangina, tol. Tama na siguro, tignan mo, oh!" narinig niyang sigaw ng isang kaibigan nila. Hindi niya na makilala kung sino iyon dahil sa tila ba nililipad siya sa alapaap.

Napasalampak siya sa sahig ng kwarto at narinig niya ang pagbasag ng vase sa gilid niya pero wala siyang maramdaman na sakit.

"Speed naman, antique 'yan."

"I'll pay. Shut up," he hissed.

"Gago, five million 'yan--"

"Make it 10."

"Gago, ayos ka pala talagang maging kaibigan." Nagtawanan ang mga ito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa narinig niya. Tila ba iniinsulto siya ng mga kasamahan niya.

Habang tumatagal ay papalakas nang papalakas ang mga naririnig niyang tawanan. Every laugh is making him high and irritated at the same time.

"Shut up," mahinang bulong niya sa mga ito. Pero pakiramdam niya ay mas lalong lumalakas ang tawanan. "Shut up! Shut up! Shut the fuck up!" Sigaw niya.

"Kalmahan mo, Speed. May regalo pa naman kami sa'yo. . . " Rod laughed hard. Tila ba demonyo ang naririnig niya sa pagtawa nito. "Masarap 'to."

"E-enough, I can't take anymore."

Nagtawanan ang ibang kasamahan nila. "Akala yata nito drugs pa rin ang ibibigay sa kanya," muli ay nagtawanan sila.

Kahit hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng mga kasamahan niya ay umiling na lamang siya.

"N-No, I-I can't do it anymore."

"You love sex right?" Rod asked him.

Sex? Sinong hihindi sa sex? Slowly he nod his head. "Who wouldn't?" He asked.

Nagpalakpakan ang mga kasama niya. "Good answer, Speed."

"Hanapin ninyo ang mga bisita."

"Get ready to experience the best sex," Rod grinned at him and because he's high as fuck he laughed hard.

Napabalikwas siya ng bangon nang magising siya.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon