KAHIT masakit sa dibdib ay pinilit niyang huwag masaktan at maging malakas para sa kanilang dalawa. Hindi niya matanggap na ganoon na kang sila magtatapos ni Speed.
Handa naman siyang pakawalan ito. . . pero hindi sa ngayon.
Nang iwanan siya nitong nakaluhod sa kwarto nito, pakiramdam niya ay tila wala na siyang pag-asa. Kahit nanghihina ang tuhod niya ay pilit niya pa ring iniligpit ang mga pinagkainan ni Speed at inayos ang mga ginamit niya sa pagluluto.
Ngayon ay tatlong araw na pero hindi pa rin nagpaparamdam si Speed sa kanya. Hindi niya pa rin nakikita ito. Sa totoo lang ay miss na miss na niya ang binata. Gusto niyang hawakan ang mukha nito, gusto niyang yakapin ito at gusto niyang sabihin dito na mahal na mahal niya ito.
That she's his until her last breath.
She can't accept the fact that Speed is pushing her away. Hindi niya matanggap na itinutulak siya ng binata dahil sa nararamdaman nito.
Mahal niya ako. . . alam ko iyon. Paulit ulit niya g sinasabi iyon sa kanyang sarili na tila ba mantra. Alam niyang mahal siya ni Speed. Alam niyang hindi siya nito iiwan. Alam niyang may pinagdaraanan lang ito kaya ganoon umasta ang kasintahan.
Hindi siya papayag na maghiwalay sila nang hindi pa ito tuluyang gumaling. That's her last mission. . . hindi kakayanin ng pagkatao niyang iwanan ito nang hindi pa ito gumagaling.
She can't leave him like that. She can't leave him shattered and broken. Gagawa siya ng paraan para mag-ayos sila nito. She can't leave him . . . not yet.
Wala siya sa sarili buong araw at pansin iyon ng mga estudyante niya pero kahit ganoon ay pinilit niyang maging propesyunal at tapusin ang klase. Kahit pakiramdam niya ay tila sinasaksak ang puso niya bawat segundong lumilipas ay pinilit niyang iwinaksi iyon sa kanyang isipan.
Naramdaman din ng mga kasamahan niyang mga guro ang pagkabalisa niya kaya pinipilit siya ng mga ito na magpahinga na muna at huwag na muna pumasok. Tinanggihan niya iyon, pakiramdam niya ay as lalo siyang makakapag-isip ng masama at mas lalo siyang masasaktan kapag mag-isa siya.
Physical pain, physical pain. I badly need it right now! Her mind hissed at her. Gustong gusto niyang makaramdam ng sakit, gusto niyang saktan ang sarili para matanggal nang kahit kaunti man lang ang nararamdaman niya sa dibdib niya.
Nang hindi na niya makayanan ay pumasok siya sa cr ng classroom at doon umiyak. Mabuti na lamang at na ang mga estudyante niya kaya wala nang ibang makaririnig sa kanya.
Pasalampak na naupo siya sa malamig na sahig ng cr pero hindi niya ininda ang sakit na nararamdaman niya. Mas masakit pa rin ang kanyang puso, para iyong pinipiga. . . para siyang unti-unting namamatay dahil doon.
Dati ay hindi siya takot sa kamatayan, pero ngayon. . . kung sa ganitong paraan siya mamamatay. . . mas gugustuhin niya na lang na patayin ang sarili.
Habang umiiyak ay pilit niyang pinipigilan ang kamay na dumapo sa kanyang pulsuhan. Kahit gusto niyang saktan ang sarili ay may parte sa utak niyang nagsasabihing huwag niya munang gagawin iyon.
I need it right now. . . I need the physical pain right now. Hindi ko na kasi kaya. . . hindi ko na kaya. She breathe out.
Kahit anong pagpapakalma niya sa kanyang sarili ay hindi niya magawang kumalma. Sobrang masakit ang kanyang dibdib na tila ba sinasaksak iyon ng paulit-ulit. Tuloy tuloy ang kanyang pag-hikbi at hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Stop hurting . . . " she muttered to herself as she hit her chest using her fist. "Please, not now. . . kailanga pa niya ako. Kailangan pa niya ako. . . so please, stop hurting," pagmamakaawa niya sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...