"ALAM din ni Aji na isa ka sa kanila, Speed. Kilala ka niya. . . matagal na."
Nabitawan niya ang kanyang cellphone sa kanyang narinig. Alam niyang masakit ang pinagdaanan niya pero alam din niya na. . . mas masakit ang pinagdaanan ni Awesome.
Awesome. . . how can you be so selfless, baby? He asked her through the thin air. Ayaw niyang isipin ang sakit na pinagdadaanan nito. Ayaw niyang isipin na sa araw araw na magkasama sila ng dalaga ay alam nito ang katotohanan na isa siya sa mga sa taong sumira sa buhay nito.
His heart aches with that thought. Natigilan siya. . . kung nasasaktan siya ngayon. . . ano na lamang ang naramdaman ni Awesome noon?
Kahit nanginginig ang kanyang mga kamay ay pinilit niyang pulutin ang cellphone na nabitawan niya. "S-Spec. . ." he whispered, his voice cracked for the nth time. Hirap na hirap siyang tanggapin ang katotohanan.
The love of his life who did nothing but to love, support and make him feel at home knows everything. . . she's aching the whole time. She's hurting the whole time.
"H-How c-can she accept me?" he asked Spectacular.
Narinig niya ang marahang pagtawa nito sa kabilang linya pero may naririnig siyang mumunting hikbi doon. Spec is crying, too, just like him.
"Let's meet up, Speed. I want to have a man to man conversation with you."
His heart twitched in pain once again. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa narinig niya. Parang ayaw niyang kausapin ang kapatid ni Awesome pero alam niyang kailangan niyang gawin iyon. Kailangan niyang malinawan at kailangan niyang makita si Awesome. . . nababaliw na siya.
Hindi na niya kinakaya ang sakit sa kanyang puso.
"W-Where?"
"House."
Napalunok siya dahil doon. This is it. . . he will face his biggest fear. Kahit sunasakit ang kanyang buong katawan dahil sa panununtok ng kanyang kapatid ay pinilit niyang tumayo.
I'm sorry, baby. . . I'm really really sorry, baby. Paulit ulit niyang bigkas sa mga katagang iyon. Paulit ulit siyang humihiling na sana ay siya na lang ang pinakanasaktan sa lahat. Paulit ulit niyang hinihiling na sana ay makabalik siya sa nakaraan at mabago iyon.
Kung hindi naman ay sana. . . sana namatay na lang din siya.
Sana ay na-overdose na lang din siya at sana ay isinama na lang siya nila Rod nang mag mass suicide ang mga ito. Sana ay pinatay na lang din siya ng mga ito.
Dahil ngayon ay tila pinapatay na naman siya. . . paulit ulit siyang pinapatay ng sakit.
The feeling is too painful to bear. Hindi niya alam kung papaano siya nakakahinga ngayon dahil sa kanyang sitwasyon.
Umiiyak na nagsuot siya ng kanyang damit at hindi na nag-abalang ayusin pa ang sarili. Masakit man ang katawan niya ay pinilit niyang maglakad ng mabilis para kitain si Spec.
Para puntahan ang totoo niyang tahanan.
****
NAKARATING siya sa mga bahay ng mga Watanabe at kapansin pansin ang katahimikan nito. Oo tahimik na ito dati kapag pinupuntahan niya si Awesome pero mas kakaiba ang klase ng katahimikang bumabalot ngayon sa bahay.It's too silent. . . sa sobrang katahimikan ay mararamdaman mo ang sakit na pinagdaraanan ng bawat isa sa loob ng bahay na iyon.
Inabutan siya ng kawaksi ng tubig pero hindi niya ininom iyon. Hinintay niyang bumaba si Spec para harapin siya.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romansa[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...