Chapter 36

1.5K 45 9
                                    

KINUHA niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nanghihinang binuksan iyon. Tumulo ulit ang kanyang mga luha nang makita niya ang kanyang homescreen.

Larawan ni Awesome iyon. She's smiling while teaching. Nakasuot ito ng costume ng bear. She looks so cute and happy in the picture. Hindi niya maiwasang masaktan kapag iniisip na walang totoo sa mga ngiting ipinakita ng dalaga.

She's smiling yet her eyes are full of pain and longing. Ngayong tinititigan niya ang larawan ng dalaga ay hindi niya maiwasang hindi tignan ang mga mata nito.

He's so stupid for not noticing it. . . he's so useless. Lahat na lang ay itinuon niya sa kanyang sarili. Hindi man lang niya inisip kung anong nararamdaman ng dalaga. His main focus is only himself. . . the comfortable feeling, the heart fluttering moments and the homey ambiance whenever he's with her. Hindi niya man lang naisip na kakailanganin siya ng dalaga.

Pagkatapos ay parang napakabilis niya na lang itong binitawan. He pushed her away . . . hurt her and leave her without explanations. Iniwan niya ito nang wala man lang sapat na rason. . . given that he's hurt but now he realized. . . it's not valid. Hindi sapat na rason iyon para bitawan kaagad ang dalaga.

Nanginginig ang mga kamay niyang hinaplos ang litrato ni Awesome sa kanyang cellphone. His teardrops fell when his fingers landed on her cheeks.

He smiled weakly. Mahal na mahal kita. . . sobra. Lalaban tayo, lalaban tayo, mahal ko. Mahinang bulong niya sa larawan ng dalaga.

Seeing her picture right now makes him smile and cry at the same time. Hirap na hirap ang kalooban niya habang iniisip na maayos siya ngayon at nakahiga ang kanyang mahal ay nasa hospital. Nakahiga at nakagapos.

"B-Baby. . ." he whispered. Nanginginig ang boses niya nang buksan niya ang kanyang gallery. Nakita niya roon ang mga larawan at mga videos ng dalaga. Pasimple niya ito kinukuhanan ng mga litrato at mga video dahil gustong gusto niya itong isorpresa sa kanilang anniversary.

Sigurado na siya noon na aabot sila ng taon hanggang sa ikasal sila. Siguradong sigurado na siya kay Awesome noon. Kahit naman hanggang ngayon ay sigurado siya na gusto niyang makasama ang dalaga hanggang sa kanilang pagtanda.

He played one video and his heart slowly breaks when he saw how she smiled at him while showing him her cute drawings.

"What's that, baby?" narinig niya ang kanyang boses sa background.

Awesome showed him her wide grin. She giggled like a kid and removed her eyeglasses before showing him the paper.

Tumawa siya ng malakas doon. Awesome draw a frog. Hindi iyon sobrang perpekto at tila ba gawa iyon ng bata kaya tawang tawa siya.

Awesome pouted. "Are you insulting your baby, ha?" tanong nito sa kanya.

Nakita niyang papalapit na ang kuha kay Awesome dahil umupo na siya sa tabi nito. Naririnig pa niya ang mumunti niyang mga tawa dahil sa sinabi ng dalaga sa kanya.

"I'm not, baby. . ." nakita niya ang kanyang kamay sa screen sa cellphone at kinuha niya ang iginuhit ng dalaga. "This one looks cool, baby ko. . . i-pa-pa-frame natin ito," narinig niyang sinabi niya sa video.

Natawa siya Awesome at hinablot iyon sa kanyang kamay. Ngayon ay nakatuon na sa mukha ng dalaga ang video.

"Ang sama sama mo sa akin, Speed Egell! How dare you insult your sweet beautiful baby?" Inirapan siya nito.

"I love you," narinig niyang bulong niya sa dalaga. Nakita niya naman ang pagngiti nito sa kanya.

"Mahal na mahal din kita, Speed ko. . . mahal na mahal kita."

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon