SPEED gave her a quick kiss on her lips. Napangiti naman siya dahil doon. Walang palya ang binata sa paghalik sa kanya sa labi kapag nagkikita sila. A simple peck on lips can make her heart flutter. . . can make her forgot about her worries and insecurities in life.
Kapag magkasama sila ng binata, alam niyang nakakalimutan niya ang mga masasamang alaala niya. Hindi niya dapat kalimutan iyon, hindi niya dapat patawarin ang sarili pero kapag kasama niya si Speed, nakakalimutan niyang masama siyang tao. Nakakalimutan niya ang masasama niyang alaala.
Kapag sa gabi naman at nananaginip siya ng masama ay iniisip niya ang binata para mawala ang kanyang planong tapusin na ang buhay. Palagi niyang iniisip na kailangan pa siya nito. Na kailangan siya nito kaya hindi niya pa pupwedeng tapusin ang buhay.
Alam niya kasing mawawala sa goal si Speed kapag nawala siya. Speed made sure that she is a big help in his healing process. Palagi siya nitong isinasama kapag pumupunta ito sa therapist nito. . . for support.
Nakakatawa lang isipin na sinasamahan niya si Speed na magpagamot pero siya, hindi siya willing na gumaling. Ayaw na niyang gumaling. Sapat na sa kanya ang mga maiksing panahon na masaya siya para baunin sa kabilang buhay.
In another life, she promise, she will be a better person. A better person not just for Speed but for everyone.
Siguro hindi para sa kanila ang buhay na ito. . . sa susunod na habang buhay, doon niya ito mamahalin ng lubos. Doon niya ipapakita na mahal na mahal niya ito.
She's silently wishing that in another life, they are still Aji and Speed, their paths will cross again and in that way, she will love him endlessly, unconditionally.
"Baby Awesome ko, date tayo?"
Nawala ang kanyang iniisip nang akbayan siya ni Speed at halikan sa kanyang ulo. She sighed and nod her head at him. Giving him a small smile.
"Sige, baby. Saan ba?" she asked. Nakita niyang nakangisi si Speed at tila ba may pinaplano kaya sinamaan niya ito ng tingin.
Kapag ganoon kasi ang ngisi nito ay alam niyang may binili ito o hindi naman ay i-i-spoil na naman siya nito. Nagtataka na nga siya bakit hindi pa nauubos ang pera ng binata. Heck, hindi pa ito sumasakay sa barko ulit pero kung gumastos daig pa nito ang tatlumpung tao.
"Speed, binabalaan kita. Kapag bumili ka na naman ng mamahaling gamit, ipapakain ko sa'yo--"
Natigil siya sa pagbabanta nang halikan siya ng mabilis sa labi ni Speed at yakapin ng mahigpit. Inipit siya nito sa pamamagitan ng pagyakap. He hugged her tightly but not enough to hurt her. Parang nanggigigil lang ang binata sa kanya.
"Baby ko talaga. As your boyfriend, it's my responsibility to spoil my woman." Hinalikan siya nito sa tuktok. "Huwag ka na magalit, baby Awesome ko. Please?" paglalambing nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ito pabalik at natatawang pinalo niya ang likod nito. "You're spoiling me kasi! Hindi naman pupwede na ako lang pinagkakagastusan mo, baby." Pinalo niya ito ulit sa likod. Isiniksik naman niya ang kanyang mukha sa kilikili nito at inamoy iyon.
Natatawang hinalikan ulit siya ng binata sa kanyang ulo. "Baby ko, how many times do I have to tell you that what my baby Awesome wants, my baby Awesome gets?"
"Still. I do have my own money, Speed."
"And I'm loaded, baby ko. You're man is fucking loaded."
Natatawang kumalas siya sa yakapan nila at sinabutan ng marahan ang patilya nito. "Ang yabang mo. Magtipid ka nga."
Parang tangang sumaludo ito sa kanya. "Yes, Ma'am."
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...