Chapter 20

1.5K 40 0
                                    

IPINAKITA niya sa kakambal ang singsing na ibinigay sa kanya ni Speed. May bahid ng kaba at saya ang kanyang mukha at tila napansin iyon ng kakambal.

"Aji. . . you're getting married?" Spec asked her.ay bahid ng saya ang boses nito at alam niyang tila masaya ang kakambal. "Bakit ang bilis naman yata?" tanong nito sa kanya.

She shook her head. Hindi niya masabi sabi sa kapatid na hindi naman siya ikakasal. Tuloy pa rin kasi ang plano niya. Iiwanan niya pa rin silang lahat. . . kasama na si Speed.

Everything is just temporary, she's fully aware of that. Baka kapag nalaman nga ni Speed na isa siya sa mga babaeng hindi nito nailigtas ay baka layuan siya nito. Kaya kahit mahirap para sa kanya na huwag isipin iyon, kahit mahirap ay pinipilit niyang itago ang katotohanang iyon.

Alam na rin siguro ng kanyang ama ang kung anong kaugnayan nila ni Speed. Nagtataka lang siya kung bakit hinayaan siya nitong maging kasintahan si Speed. Nagtatataka siya kung bakit tila natutuwa pa ang ama ngayon. She shouldn't be happy about that but she is.

Ayaw niyang aminin sa binata ang katotohanang iyon . Hindi niya kasi kakayanin kapag nakita niya mismo sa mukha ng binata ang takot at guilt kapag umamin siya ng harapan. Ayaw niyang matakot ang binata sa kanya. Ayaw niyang isipin nito na napakaselfish niya dahil hindi niya sinabi ang kung anong nag-uugnay sa kanila. Yes, she's selfish on that part, she's fully aware of that. Pero anong magagawa niya? Ayaw niya lamang matakot sa kanya ang binata.

Gusto niya ay magfocus sila sa pagpapagaling nito. Dahil kapag gumaling na ito, mas madali na nito matatanggap ang mga bagay bagay. Call her stupid, out of her mind or selfish, she doesn't care. Mamamatay rin naman siya, mawawala rin naman siya. . . so what's the use of telling him? She will hide that past . . . burry it to the ground, together with her cold body.

"Huy, tulala ka." Kinalabit siya ng kakambal kaya naman napaigtad siya at nawala siya sa kanyang iniisip.

"Sorry, anong sinasabi mo?"

"Ang bilis naman yata kako. Ilang buwan pa lamang kayo naging magkasintahan." Tinaasan siya ng kilay ni Spec na tila ba sinusuri niya kung sigurado na ba siya sa desisyon niya.

She sighed. "Hindi naman kami magpapakasal, Spec. Binigyan lang ako ng singsing." Inirapan niya ang kanyang kakambal.

"Yeah?" Spec smirked mockingly at her. "With Jollibee and helicopter? Ang sarap naman maging boyfriend ng boyfriend mo, Aji. "

Malungkot na nangalumbaba siya at pinakatitigan ang kanyang singsing. It's beautiful, it is complementing her pale white skin. It's elegant and it is captivating. "Spec, alam kong alam mo na si Speed ang isa sa mga kasamahan ng pumatay kay Candice. . . " tinignan niya ang kakambal. "Bakit hindi ka nagagalit sa kanya?"

Spec stilled. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. "Alam mo, Aji?!" may bahid ng galit at gulat ang boses nito. "Naaalala mo na siya?"

Nagulat na lamang siya nang yakapin siya ni Spec ng mahigpit. "Aji. . . please, don't do anything stupid. Alam mo naman na pa lang si Speed ang isa."

"Spec, I'm asking you a question."

"It's because I know that he tried to save the two of you. . . hindi ka pa niya nakikilala pero kilala niya ang pamilya ni Candice. Si Candice lang ang naaalala niya. I heard how he cried once."

"Umiyak siya?" tanong niya sa kapatid.

"Heard him one time back then. Hindi niya alam na nandoon ako. Si Candice lang ang kilala niya. Believe me, that man is broken too but he is a great man."

She smiled sadly and nod her head at her brother who's now looking intently at her. Kumalas na kasi siya sa yakap. "You're not thinking about ending your life once he gets healed right?"

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon