INABOT ni Alert sa kanya ang isang bungkos ng daisy kaya naman napangiti siya dahil doon. Tinignan niya muna ang mga bulaklak at tsaka kinuha ang kanyang cellphone para kunan iyon ng larawan.
"Is that all you need, Kuya?" Alert asked him. Tumango lang naman siya at tinapik sa braso ang kapatid.
"Thank you, bud, stay strong," saad niya rito. Nakita niyang dumaan ang lungkot sa mga mata nito pero hindi kalaunan ay ngumiti ito ng marahan sa kanya.
"Sec is doing fine now, we're slowly coping. . . she will be better soon," saad nito sa kanya pagkatapos ay tinapik ulit siya nito sa balikat. "You, too, brother. You need to stay strong. . . for Aji."
Kakayanin ko ang lahat para sa kanya. . . lalaban ako para sa kanya.
Ngumiti ulit siya at itinago na ang kanyang cellphone. "Yes, I will. . . I'm getting better, we will be healed soon." Tumayo na siya at pinagpag kaunti ang suot niyang cotton shirt at tinignan ang kapatid. "Aalis na muna ako, you say tell Dad that I went here. Baka magtampo iyon," paalam niya sa kapatid.
"Sure, Kuya," sagot ni Alert sa kanya. "Take care."
Tumango lang siya at umalis na sa kanilang bahay dahil pupuntahan niya si Awesome. Dalawang araw na ang nagdaan simula nang makapag-usap sila ng dalaga at araw araw ay pinupuntahan niya ito. Araw araw ay nagdadasal siya na sana ay huwag nitong saktan ang sarili sa gabi kapag wala siya.
Gabi gabi siyang humihiling na sana ay maabutan niya ito sa bahay nila. Natatakot kasi siya na baka magbago ang isip ng dalaga at magdesisyon na wakasan ang buhay nito habang walang nakabantay sa kanya.
Mabuti na lamang at pinayagan siya ng pamilya nito na puntahan ito sa umaga at doon siya manatili maghapon para samahan ito. Mabuti na lamang at napakiusapan niya ang mga ito na huwag nang dalhin sa Japan ang dalaga. Hindi niya na kasi kakayanin kapag nagkataon.
Hindi niya kakayanin kapag nawala ang dalaga sa kanya ng tuluyan. . . he would be damned if ever. So. . . as much as possible he would gladly do anything to make her stay by his side.
This time, he will love her and show her how serious he is with her. How much she really means to him. Ipakikita niya sa dalaga na wala siyang ibang mamahalin kundi ito lamang at higit sa lahat ay tutulungan niya itong gumaling at maging masaya.
Help me feel the happiness. . . please make me happy.
Naririnig na naman niya ang pakiusap ng dalaga sa kanya. She's begging him to help her feel the happiness. Nang marinig niya ang pakiusap ng dalaga pakiramdam niya ay napakasama niyang tao dahil hindi man lang niya nalaman kung totoo bang masaya ito nang mga panahong magkasama sila.
Pero ngayon. . . gagawa siya ng paraan para makaramdam ng totoong kaligayahan ang dalaga. He's willing to do it all to make her smile and happy. He's really determined to help her overcome her sadness.
Hindi niya namalayan na nakapasok na pala siya sa subdivision kung nasaan ang bahay ng mga Watanabe. Hindi pa siya tuluyang nakapupunta sa bahay ng mga ito nang makita niya ang dalaga na naglalakad sa gilid ng kalsada.
His heart started to beat fast and his whole body relaxed because of that. Nakita na niya ito. . . ibig sabihin ay wala itong ginawang masama sa kanya.
Binagalan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan para masundan ang paghakbang ng dalaga.
"Hey, baby. . . " he smiled at her when he opened his car's window. "Where are you up to, my love?"
Nagulat na tinignan siya ni Awesome. His lips twitched up, showing his boyish grin when he saw her startled face.
"Nagulat ka ba sa kapogian ng boyfriend mo, mahal ko?"
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romantizm[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...