Chapter 15

1.6K 41 0
                                    

"WHAT are you doing, baby Awesome?!" mabilis na tumayo si Speed mula sa pagkakahiga sa hospital bed at dali-daling tumakbo papunta sa kanyang gawi. "Dapat ginising mo na lang ako kung gusto kong kumain."

Kumunot ang noo niya dahil doon at marahang tinignan ang orasan. It's already 3 in the morning. "Anong gisingin kita ng alas tres ng madaling araw dahil lang sa gusto kong kumain?" she asked.

Nagulat siya nang tumango ng mabilis ang binata at inagaw sa kanya ang binabalatan niyang mansanas. "Let me," he growled and then he look at her. " Ano pa gusto mong kainin?"

Natigilan siya dahil doon at napaisip. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay tila may mainit na humaplos sa kanyang puso nang marinig niya ang katagang iyon. Hindi niya akalain na ganito ka-sweet ang binata. For a broken person, he's too much sweet and caring...too much that it hurts her heart because she doesn't deserve any of it.

"Hmm?" Nilingon siya ni Speed nang hindi pa siya sumasagot. Pagkatapos ay sinubuan siya nito ng mansanas.

"Wala na yata?" 'di siguradong sagot niya kay Speed. He raised his eyesbrows at her. Waiting for an answer.

"Baby? ano na? ano ang gusto mong kainin?"

"She likes strawberries, Ghebreyesus." Napalingon siya sa gawi ng pintuan nang magbukas iyon. Nagulat siya nang biglang may pumasok na lalaki dahil doon. Inilapag din nito ang isang basket ng strawberries.

"Daddy!" she muttered.

"Hey, Baby. . . tinatanong ka ng boyfriend mo." Nginitian siya nito ng nakakaloko na tila ba sinasabi sa kanyang may alam na siya sa kung anong mayroon sa kanila ni Speed kahit na ang totoo ay wala namang namamagitan sa kanila ng binata.

"Daddy, bakit nandito ka pa? Alas tres na."

Ngumiti ulit ang kanyang ama at pagkatapos ay tinignan nito si Speed ng nakakatakot. Nakita niya kung papaano nanigas ang binata sa kinatatayuan nito kaya napangisi siya ng bahagya.

"Actually kanina pa kami rito. . . around 2 am." Tinignan nito ang relos sa kamay at pagkatapos ay sila ang tinignan nito. "But you two are cuddling like it's the end of the world, so we just let you."

Hindi man niya tignan ang kanyang sarili ay alam niyang namumula ang kanyang pisngi. Hiyang hiya siya sa kanyang ama. Hindi na dapat siya nakikita ng mga ito na may kasamang lalaki.

Hindi na dapat siya pinagkakaabalahan ng mga ito na bisitahin sa hospital ng madaling araw. Alam niyang tapos na ang visiting hours pero alam niyang ginamit na naman ng mga magulang ang koneksyon para makabisita ng ganoong oras. Ayaw niya sa ganoon. Ayaw niyang pinagkakaabalahan pa siya.

Dahil bakit pa? Mamamatay na rin naman na siya. Ilang saglit na lang, kapag gumaling na si Speed, alam niyang tatapusin na niya ang buhay niya ng walang pag-aalinlangan.

Kapag gumaling na si Speed alam niyang tapos na ang role niya. It's like making him whole is her last mission here on earth. After that, she can kill herself. . . she would do that in a heartbeat.

Naramdaman niyang inakbayan siya ni Speed. Hindi niya pa pala sinasagot ang kanyang ama. Naramdaman siguro ng binata ang pag-aalangan niya kaya ito na ang sumagot sa kanyang ama.

"Sir. . . we're not doing anything wrong," depensa nito sa kanilang mga sarili.

Nakita niyang ngumiti ang kanyang ama ng nakakaloko at tsaka umirap na tila ba natatawa talaga ito sa kanila.

"Baby. . . alam ko na kanino ka nagmana. Your dad is an eye roll monster too."

"I can hear you, Ghebreyesus. . .  what's the score between you two?" Umupo ang kanyang ama sa hinihigaan nilang kama kanina kaya nanigas siya sa kanyang kinatatayuan.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon