ANOTHER day, another set of struggles, pain and hatred for her. Hindi nga niya alam kung papaano pa siya nagigising. Sa tuwing gabi bago siya makatulog dahil sa sakit gawa ng mga sugat na gawa niya ay humihiling siyang kunin na lamang siya.
Kung hiram lang ang buhay ko, bawiin mo na po, ibigay mo na lang sa mas nangangailangan nito.
That's her mantra other than "pagod na ako". Alam niyang may mga taong nakikibaka para lang mabuhay at hindi siya natatakot na ibigay ang kanya. Hindi naman siya dapat pang mabuhay. Sa mga nangyari sa kanya, hindi niya alam kung bakit pa siyang hinahayaan na mabuhay.
Mabilis na nag-ayos siya ng kanyang sarili at naglagay ng concealer at foundation para takpan ang kanyang mga sugat sa pulsuhan. Oo at gusto na niyang mamatay at gustong gusto niya ng sakit pero hindi niya kayang makita ng mga bata ang kanyang mga sugat. She can't afford to taint those little innocent kids.
Ang mga bata na lamang ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagtuturo. Seeing them laugh, smile, play and enjoy the lesson makes her feel at ease. Kapag kasama niya ang mga bata ay saglit niyang nakakalimutan ang sakit ng kanyang nakaraan.
At kapag kasama niya ang mga bata ay pakiramdam niya ay kasama niya ang isang parte ng buhay niyang nawala.
The kids have a special place in her heart and the kids makes her day feel light. Lighter than the previous years. Sapat na ang mga bata para makalimutan niya ng panandalian ang sakit.
"Ayos, ma'am, ah! Walang blazer ngayon," bati sa kanya ng guard kaya naman ngumiti lang siya ng bahagya at tumuloy na siya sa loob ng paaralan.
Pagpasok na pagpasok pa lamang niya ay naririnig na niya ang mga tawanan ng mga bata at may mga nakikita siyang naglalaro sa may hallway. Hindi niya alam pero may tila masaya at masakit na reaksyon ang puso niya pero mas pinili niyang manguna ang saya para hindi mapansin ng mga batang nalulungkot siya.
"Ma'am Aji! Ma'am Aji!" one kid shouted her name when she's walking towards the faculty room.
Kaagad niyang nilingon kung sino man ang nagtatawag sa kanya at nakita niya ang isa sa mga estudyante niya sa grade two na si Paula. "Yes, baby?" she asked, yumuko pa siya ng bahagya para makapantay niya ang mukha ng bata.
"Good morning," the kid beamed at her and light a sunshine breaking the dawn, her whole system shines. The kid even motioned her hands, signaling her to lean lower. Nagulat siya nang halikan siya nito at niyakap ng mahigpit.
Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay maiiyak siya sa ginawa ng bata sa kanya. That is so pure and so genuine. The kid makes her whole system feel something that she refused to feel for the past few years and that is happiness.
Naluluhang ngumiti ulit siya sa batang nakangiti sa kanya ngayon at nakatingala. Her pigtails are not aligned that's why using her trembling hands, she fixed her hair.
"You're so sweet baby Paula," she smiled at the kid.
"Mom told me to be sweet."
Natapos na niyang ayusan ng buhok ang bata at hinawakan na niya ang maliit nitong kamay. "Come, let me take you to your classroom."
Nang maihatid niya si Paula ay pakiramdam niya ay tila may sumuntok sa puso niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Kanina ay masaya lang siya pero ngayon ay kinakain siya ng takot at konsensya niya.
Kung sana ay hindi nawala ang parte ng buhay niya. . . sana ay ganoon na rin sana siya kalaki.
Tama nga sila na kapag nakaramdam ka ng saya, susunod na ang lungkot, susunod ay mawawasak ka na. Iyon ang nararamdaman niya ngayon, unti unti siyang nawawasak. Halos hindi siya makahinga nang maalala niya ang isang parte ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...