NADATNAN siya ni Speed na umiiyak kaya naman mabilis na pinunasan niya ang mga luha niya at tsaka ngumiti ng pilit.
"Baby," mabilis na lumapit sa kanya ang binata at sinapo ang kanyang mga mukha. Bakas na bakas ang alala sa mukha nito kaya naman pilit niyang pinipigilan ang paghikbi.
Kinagat niya ng mariin ang kanyang labi at pagkatapos ay kahit nanginginig iyon ay pinilit niyang ngumiti ulit.
Naramdaman na lamang niya ang pagpunas ng binata sa kanyang mga luha at ang marahang pagngiti nito sa kanya.
"Just cry, baby. . . you don't need to pretend that you're okay in front of me," saad nito sa kanya. Punong puno ng pag-iinti ang boses nito.
Hindi niya alam pero nang marinig niya ang katagang iyon ng binata ay hinayaan na niyang tumulo ang lahat ng mga luha niya.
"Ang s-sakit sakit. . . " mahinang bulong niya. "Napanaginipan ko na naman siya. . . napanaginipan ko na naman si baby Amazing," humihikbi na saad niya.
Hindi nagsalita si Speed pero naramdaman niya ang paggalaw nito papalapit sa kanya. Dahan dahan ay niyakap siya ng binata at pilit na pinakakalma.
"Cry, baby. . . let it all out," masuyong bulong nito sa kanya habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.
Naramdaman pa niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok pagkatapos ay ang paghalik nito sa kanyang tuktok.
"A-Am I a b-bad person, Speed?" tanong niya rito. Kahit hindi niya na tanungin ay alam na niya ang sagot. Alam niyang masamang tao siya--hinayaan niyang mamatay ang anak niya. Namatay rin ang pinakamatalik niyang kaibigan. At nasasaktan niya ang kanyang pamilya.
It's like she's just bound to bring agony to her love ones.
The pain is really lingering inside her chest amd she can't do anything about it. Parang nakadikit na iyon sa kanya at hindi na matatanggal pa.
Naramdaman niyang kumalas na yakap ang binata at pinunasan ang kanyang mga luha. "No, baby, you're not. You're the purest person I've ever met, so please. . . don't doubt yourself, hmm?" Speed leaned down to kiss her forehead.
She closed her eyes to feel his kiss and. Niyakap na ulit siya ng binata at marahang inuugoy ugoy na tila ba batang pinagpatulog ng kanyang nanay.
Nagpatuloy siya sa kanyang pag-iyak at sa buong durasyon nito ay hindi man lang niya narinig na nagreklamo ang binata. Niyayakap lang siya nito nag mahigpit at panaka-nakang hinahalikan sa kanyang tuktok.
"T-Thank you, Speed," her voice is weak and she's not sure if he ever heard her. Iyon lang ang kaya niyang gawin sa mga panahon na iyon. She can't move her body because she's trembling and she's drained from too much crying.
"I'm always here, Awesome. . . hindi na kita iiwanan. Pinapangako ko, hinding hindi na kita hahayaang mag-isa. I'll be by your side no matter what." Hinalikan muli ni Speed ang kanyang tuktok kaya naman dahan dahan ay iniangat niya ang kanyang mga kamay at niyakap ito pabalik.
"W-Why are we so broken, my baby?" she asked him. Gustong gusto niyang itanong iyon dahil nahihirapan na siya. Hindi niya alam kung bakit sa dami ng tao ay sila pa ang nawasak ng lubusan.
Naramdaman niya ang pagtapik nito sa kanyang likod. "Hindi ko rin alam, mahal ko. . . basta ang alam ko, gagawin ko ang lahat para sa ating dalawa. I'll fight for our love, so please. . . please hang on," Speed sincerely whispered. "Maging malakas ka lang, iyon lang ang hinihiling ko. . . hayaan mo ako ang lumaban para sa atin ngayon."
Pakiramdam niya ay may humaplos sa kanyang puso dahil doon. Speed assuring her that he's at her side and willing to fight for her made her realize that he can really make her calm.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...