Chapter 43

1.3K 40 9
                                    

HUMINGA muna siya ng malalim bago pumasok sa kwarto ng kanyang kakambal. Nakita niya naman itong busy sa kanyang cellphone na tila ba nay ka-text kaya naman tumikhim siya saglit.

"Kuya. . . " mahinang tawag niya rito. Tinatawag niya talaga itong Kuya kung minsan.

Umangat ang tingin ni Spec at nginitian siya ng bahagya. "Hey, Aji. Nadako ka rito?" umayos ito ng pagkakaupo sa kama at tinapik tapik pa ang tabi nito na tila ba inaaya siya nitong umupo.

Dahan dahan ay naglakad siya para tabihan ang kapatid. Nang makatabi siya ay humiga siya ng  patagilid at inunan ang ulo sa hita nito.

Tila ba kinakabahan na tinignan siya ng kapatid. His trembling hands went to her wrists. Nakita niyang bumuntong hininga ito na tila ba naginhawaan nang makitang wala siyang sugat kahit na isa.

I still need to do something, Kuya. Bulong ng kanyang isipan.

"Kuya," tawag niya rito at kinuha ang kamay ng kapatid at inilagay sa kanyang ulo na tila ba inuutusan niya itong haplusin iyon. Spec obliged and caressed her hair.

"Yes, Aji?" patuloy ito sa paghaplos sa kanyang ulo. "Bakit nagpapalambing ka sa'kin ngayon? Nag-away na naman kayo ng jowa mong marino?"

Natawa siya ng mahina dahil doon. Palagi na lang niloloko ni Spec ang kasintahan niya. Nitong mga nakaraang araw ay alam niyang naging close na ang mga ito kaya naman hindi niya maiwasang mapangiti.

"Hindi naman, Spec. Grabe ka naman sa amin ni Speed," mahinang tawa niya at pumikit na ulit para damahin ang haplos ng kapatid.

"Eh, ano? Huwag mong sabihin na ikaw naman ang umaway ngayon sa kanya––"

"Thank you, Kuya Spec," pagputol niya sa sasabihin ng kanyang kapatid. "Thank you for not blaming me about the incident years ago." Iminulat niya ang kanyang mga mata at tinignan abg kapatid na nakayuko na pala at tinitignan siya.

"I told you. . ." Spec take a deep breath before caressing her hair once again. "Wala kang kasalanan. Alam rin ni Candice na wala kang kasalanan."

Ngumiti siya dahil doon. Kahit kailan ay hindi nagtanim ng galit sa kanya ang kapatid at hindi siya nito sinisi sa mga nangyari. . . sa pagkamatay ng mahal nito.

"Candice. . . " she breathe out to control her emotions. " She's really a great friend, Kuya, at alam kong minahal ka niya," naramdaman niyang tumulo ang luha niya kaya naman pinunasan niya ito. "Kaya ako humihingi ng tawad sa'yo dahil ang bata mo pa noong namatayan ka ng kasintahan. For a fifteen-year-old, that's too much to bear, Kuya."

Naramdaman niyang pinunasan ni Spec ang kanyang mga luha at ngumiti sa kanya ng bahagya. "She's really an angel, Aji. Candice is one of a kind at alam kong payapa na siya ngayon kung nasaan man siya."

Tumago siya at lumunok ng ilang beses para tanungin ulit ang kapatid. "Bakit hindi ka man lang nagalit sa akin, Spec? Isinama ko siya dahil ayaw n'yo akong payagan noon."

"Hindi. Bakit naman kita sisisihin sa bagay na hindi mo ginusto, Aji? Kilala ko si Candice . . . kahit hindi mo siya yayain ay sasama at sasama sa'yo iyon. That's how hardheaded she is, too."

"Iyon lang ang rason mo kung bakit hindi ka man lang nagalit sa akin?" she asked Spec. Umiling naman ang kakambal at hinawakan ang kanyang kamay.

"Nang makita ko kayong dalawa ni Candice ay tila ako pinatay. The two of you looked horrible. Especially you, Aji. . . kitang kita ko ang lahat ng sakit sa'yo. Nakita ko ang mumunting luha mo at ang mumunting paghinga mo," Spectacular tears fell. Nahulog ito sa kanyang noo. "That time, alam kong wala nang nararamdaman na sakit si Candice at alam kong ikaw ang pinaka-nasaktan."

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon