"Let's break up, Awesome."
NATIGILAN siya sa sinabi ni Speed. Hindi siya kaagad nakahuma doon. Pakiramdam niya ay tila sinaksak ang puso niya nang makita niyang seryoso talaga si Speed sa sinasabi nito sa kanya. Pero kahit ganoon ay pinilit niyang pasiglahin ang boses niya. Kahit tila pinapatay siya ay pinilit niyang pasiyahin ang boses.
"Ano ba naman iyang joke mo, Speed." Pinalo niya ang braso ng kasintahan pero hindi ito natinag. Malamig pa rin ang tingin nito sa kanya at tila hindi nagbibiro. Ayaw niyang tanggapin iyon. Alam niya may dahilan si Speed.
Kilala niya ang binata. Mahal na mahal siya nito. Mahal mo ako, 'di ba, Speed? Mahal mo ako. Pakiusap niya sa binata sa pamamagitan ng kanyang isip.
Tumayo na si Speed at maglalakad sana nang pigilan niya ito. "B-baby naman. . . ang pangit ng prank mo, h-ha," her voice cracked. Pati siya ay dinig na dinig niya ang sakit sa boses niya.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay pakiramdam niyang nababasag ang puso niya. She can hear a shattering sound of something. . . it's the shattering sound of her heart.
Alam naman niyang maghihiwalay sila ni Speed pero hindi niya inaasahan na ngayon mismo mangyayari iyon. Masayang masaya pa silang dalawa. Alam niyang may problema pa ito kaya iintindihin niya ito hanggang kaya niya. Hanggang sa gumaling ito sa nakaraan nito.
She's willing to break herself one more time just to save him. Kaya kahit medyo magulo ang utak ng binata ngayon ay iintindihin niya ito.
Nakatayo lang si Speed at nakatalikod sa kanya kaya pinihit niya ito paharap. Nang makita niya ang ekspresyon sa mga mata nito ay gusto niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili niya. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at pinilit na ngumiti.
"May problema ka ba, b-baby?" she asked one more time. Paulit ulit siyang humihiling na sabihin ng binata kung ano ang problema nito pero gaya ng kanina, hindi pa rin ito sumasagot sa kanya.
"Ano ba, Speed. . . akala ko magiging open tayo sa isa't isa?" sumbat niya rito. Tumingkayad siya at hinawakan ito sa balikat pagkatapos ay marahan niya itong niyugyog. "Ano ba! Speak up!"
Mabilis na tinanggal ni Speed ang pagkakahawak niya sa braso nito kaya naman nawalan siya ng balanase at napaupo.
Pakiramdam niya ay sinipa ang dibdib niya nang talikuran siya ng binata at hindi man lang siya nito nilingon.
Nang mawala sa kusina ang binata ay doon na nagsituluan ang mga luha niya. The pain is killing her insides. She can't breathe properly and she can't think straight.
Hindi ganito ang inaasahan niya. Malayong malayo sa inaasahan niyang paghihiwalay nila.
Hindi pa magaling ang binata, alam niya iyon kaya hindi niya ito puwedeng pakawalan. At isa pa. . . mahal na mahal niya ito.
At alam niyang mahal na mahal din siya nito. Pinaramdam sa kanya ni Speed na siguradong sigurado ito sa kanya. His words and actions are telling her that she's the one. Ipinaramdam ni Speed sa kanya na wala nang iba pa kundi siya kaya napapaisip siya kung bakit ito nagkakaganito ngayon.
Hindi naman pwedeng sa isang iglap ay hindi na siya mahal ng binata. Hindi naman pwedeng ilang oras lang pagkatapos sabihin nito sa kanya na mahal na mahal siya nito ay na-realize ng binata na hindi talaga ito sigurado sa nararamdaman?
Kahit nanginginig ang mga tuhod niya ay pinilit niyang tumayo at umupo sa isang silya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at tinapik tapik nang marahan ang kanyang dibdib.
Kapit ka pa kaunti, aayusin ko pa ito. She muttered to herself.
Narinig niya ang malakas na pagsara ng pintuan ng kwarto ni Speed kaya naman halos mapatalon siya. Pilit niyang pinapatigil ang sarili sa pag-iyak. Paulit ulit niyang binubulong sa sarili niyang mahal siya ni Speed at hindi siya nito iiwanan.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romansa[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...