Chapter 21

1.3K 41 8
                                    

"SINABI ko naman sa inyo, ayoko sa kanya!" she hissed while crying. Pilit niyang tinatanggal ang isinuot sa kanyang maternity clothes para mas maging komportable sana siya. "Not these type of clothes, Mommy!" sigaw niya.

Marahas na pinunasan niya ang kanyang mga luha. "I hate you," she whispered to her baby bump. "I fucking hate you, I hate you!" Sigaw niya sa kanyang tiyan. "Mamatay ka na!"

She may be ruthless but how can she accept the baby inside her womb? Hindi nga niya alam kung sino sa limang hayop na gumahasa sa kanya ang ama. She had no idea about the father. . . and it sucks.

She's just 16, she must be enjoying her teenage years but she's inside their house. Homeschooled. Can't get out because she's humiliated. Hiyang hiya siya sa kanyang sarili at isa pa, ayaw niyang tanggapin ang katotohanang wala na ang kanyang kaibigan.

Tumulo ulit ang kanyang mga luha at pilit na tinatanggal ang damit na suot niya. Nakita niya kung papaano nanlaki ang mga mata ng kanyang ina.

"How can you hate your own child, Aji?" her mother asked her. Gulat na gulat ito sa kanyang inaasta. Hindi kasi nito alam kung gaano siya umiiyak gabi gabi noong nalaman niyang nagdadalang tao siya. How can she shallow it? How can she accept it? She's raped! Binaboy nila ang katawan niya. Pinagsawaan ng mga ito ang katawan niya. . . wala silang itinirang malinis sa kanyang katawan.

Every night, she's scrubbing her body to remove the memories of their touch but it can't be removed.

She laughed sarcastically at her mother. "How can you accept it?"

"Aji!" her father shouted. "Ano ba! You're hurting the baby!"

"This is not my child! This is not mine! I'm just fucking sixteen! Those monsters, pinagpasa-pasahan nila ako, dalawa kami ni Candice!" lumuluhang sabat niya sa kanyang ama. "Hindi ko nga alam kung sino ang ama. Now tell me, Mom, Dad, how can I fucking accept it?"

Nanghihinang tumayo siya at tinuro ang sarili. Pinanonood lang siya ng kanyang mga magulang. She pointed herself and cried hard, "papaano naman ako? Papaano na ako? How can I look at this child when he's the child of one of those monsters? Papaano ko siya matitignan knowing na ang ama niya ang isa sa gumahasa sa akin? Papaano naman ako, mommy? daddy?"

Nanghihinang napaupo tuloy siya sa kanyang kama. Pinulot niya ang mga gamit ng bata na binili ng kanyang ina ata pinagbabato iyon. "I can't accept him! I can't accept him!" she shouted. Her heart is clenching, pounding hard and shattering. Sobrang sakit ng pakiramdam niya sa dibdib.

She's already six months pregnant. Ilang buwan na lang, makikita na niya ang anak ng demonyong gumahasa sa kanya. Hindi niya mapapatawad ang mga iyon. . . hanggang sa kamatayan. . . she will hate them all. . . including herself.

Hindi siya nagpaawat sa kanyang mga magulang nang pigilan siya ng mga ito sa pagmamawala. She keeps on throwing things inside her room. Natigilan siya nang maramdaman niyang kumirot ang kanyang tiyan.

"Ah!" she hold her belly. Kinabahan siya dahil doon. Alam niyang ayaw niya sa bata pero hindi niya matanggal tanggal ang kaba. Kinakabahang tinignan siya ng kanyang ina.

Tinignan niya ang kanyang mga hita nang maramdaman niyang tila may mainit na rumaragasa mula roon.

"You're bleeding, Aji. . . "

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon