SHE smiled weakly when she saw her parents standing in front of the chapel waiting for them.
"Na-late yata tayo, baby?" tanong niya sa kasintahan at ngumisi lang ito sa kanya kaya naman pinalo niya ito sa braso.
"What? Nagiging brutal ka na sa akin, mahal ko, ha!" reklamo nito sa kanya pero bakas pa rin ang kapilyuhan sa labi nito.
She rolled her eyes at him making him chuckle. "Ewan ko sa'yo, Speed," she hissed at him.
"Just kidding, my love." Inakbayan na siya nito at hinalikan sa kanyang sintido. "Let's go to your parents, mukhang nagagalit na nga si Tito," saad nito sa kanya kaya naman tumango siya.
Nang malapitan niya ang kanyang mga magulang ay mabilis niyang hinalikan ang pisngi ng mga ito. She saw Spec eyeing her so she smiled at him adoringly.
"Hey, Spec," she greeted him.
Spec rolled his eyes at her making her chuckle. "Kiss ko?" tanong ng kapatid sa kanya kaya naman natatawang lumapit siya rito at hinalikan din ito sa pisngi.
Nakita niyang nagmano naman ang binata sa kanyang mga magulang at pagkatapos ay tinapik ang kapatid sa braso.
"Hey, Aji," her mother smiled at her. Nakita niyang masaya ang mukha nito at tila ba kuntento na nakita siya.
"Yow," she joked. "Pasok na po tayo?" tanong niya sa nga ito. Nakita niyang tumango naman na ang mga ito at inakbayan pa ng kanyang ama ang kanyang ina at iginaya papasok sa chapel.
Si Speed naman ay hinawakan ang kanyang kamay at iginaya siya papasok sa chapel kasunod ng kanyang mga magulang. Natawa naman siya nang pumagitna sa kanila si Spec at inakbayan siya.
"Mamaya naman na kayo mag loving loving, naiinggit ako, e." Bulong nito sa kanya.
Mahinang natawa na lamang siya at kinindatan ai Speed na naiiling na lamang sa kalokohan ng kanyang kapatid.
Nang nakahanap sila ng kanilang upuan ay tahimik silang lima. Napagigitnaan siya ni Speed at ni Spec at ang magulang naman nila ay katabi ng kapatid.
Sa buong durasyon ng Sunday Service nila ay nakahawak lang ang kasintahan sa kanyang kamay ay panaka-nakang hinahalikan nito iyon. Ganoon din ang ginagawa niya.
Nang kakanta na sila ng worship song ay dahan dahan siyang inakbayan ni Speed at isinandal naman niya ang ulo sa dibdib nito ang isang kamay niya ay nakayakap sa bewang nito ay ang isa naman ay nakapatong sa dibdib ng binata. Pinakikinggan at pinakikiramdaman niya ang tibok ng puso nito.
His heartbeat is too peaceful and it sounds like music. Pakiramdam niya ay kalmado ang binata at wala na siyang mahihiling pa roon. Speed being healed is enough for her. She couldn't ask for more.
"Look at them," narinig niyang saad ng kanyang ina at alam niyang sila ang tinutukoy nito pero hindi niya na muna pinansin iyon. She closed her eyes while singing gospel songs.
She closed her eyes and prayed.
Please, make him happy. . . please make them happy. . . even without me, she silently prayed inside her head.
Naramdaman niyang hinalikan siya ni Speed sa kanyang tuktok kaya naman napaluha siya dahil doon. She can't believe it. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya para bigyan siya ng ganitong klase ng lalaki.
He is the most selfless person she ever met and her heart is really for him. She take a deep breath before opening her eyes. Tinignan niya ang binata at nakita niyang nakapikit ang mga mata nito at ang isang kamay ay bahagyang nakataas pa. He's still singing gospel songs while hugging her.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...