Chapter 17

1.4K 40 2
                                    

"SPEED, ano ba?" nahihiyang yumuko siya para tignan ang sarili nang makita niyang tumigil ang sasakyan ni Speed sa tapat ng isang malaking bahay. The house looks so big--it's not a house, it is a mansion! She gulped hard and look at the man who is now grinning from ear to ear, like he is enjoying her rants.

"What, baby Awesome ko?" tanong sa kanya ng binata. Ito na rin ang nagtanggal ng seatbelt niya at tsaka siya nito hinalikan ng mabilis sa labi, pagkatapos ay sa ulo. "Sinabi ko naman sa'yo na ang ganda ganda mo."

She rolled her eyes and look at herself. Nakasuot pa siya ng uniporme na pang guro sa Interworld at ang kanyang blazer naman ay tinanggal na niya. Naglagay na lamang ulit siya ng foundation at concealer sa kanyang kamay para hindi mahalatang may mga peklat siya roon. She's trying not to cut her wrist for almost a month now.

Ayaw niya kasing makita ng binata na may pinagdaraanan din siya. Ayaw niyang isipin ng binata na siya ang mas nangangailangan ng tulong. She's making sure that they are focused in his healing process. Ang importante sa ngayon ay ang paggaling ng binata.

Dibale nang hindi siya gumaling, ang importante ay gumaling si Speed. Dahil sa kanilang dalawa, mas may karapatan itong gumaling. Mas may karapatan itong makalimutan ang nakaraan. Sa kanilang dalawa, mas deserving si Speed na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Because she, on the other hand, is already living in hell. There's no way out for her. . . she's bound to be haunted by her past. . .until her last breath.

"Speed naman, sabi mo dinner, akala ko naman sa fast food lang tayo!" Ipinagpaalam kasi siya nito sa ama na susunduin para kumain sa labas. Hindi naman siya updated na sa bahay pala siya ng Ghebreyesus kakain.

Speed playfully rolled his eyes at her and winked. "Bakit ba nag-aabala ka? Masyado ka namang nag-pa-pa-impress sa pamilya ko. Hindi ko naman alam na patay na patay ka talaga sa'kin."

Pinalo niya ito sa braso. "Ang kapal ng mukha mo!"

Natatawang hinawi ni Speed ang ilang hibla ng buhok niya at marahang iniipit iyon sa kanyang tenga. "When I told you that you look beautiful, believe me, you look beautiful, stunning and mesmerizing. I'm not lying, my baby." Tinuro nito ang sarili. "See? I'm already captivated, baby. Halos maglaway nga ako sa ganda mo."

Her heart skipped a beat because of that. The way he told her those words is too soft, too comforting and too assuring. Pakiramdam niya totoong totoo ang sinasabi ni Speed sa kanya. Pinararamdam ni Speed sa kanyang napakaganda niya at tila sinasabi nito sa kanyang sa kanya lang nakatuon ang mga mata nito.

Hindi niya mapigilan ang magpasalamat ng patago dahil nakararamdam siya ng ganoong kasiyahan. Speed can make her feel happy and contented in just a span of seconds.

"Sus, sinasabi mo lang 'yan dahil girlfriend mo ako." Sinamaan niya ito ng tingin dahil ayaw niyang ipahalata sa binata kung gaano siya kasaya sa sinabi nito sa kanya. "Pang-ilan na siguro ako sa sinabihan mo ng ganyan."

Natatawang inayos ni Speed ang collar ng kanyang uniporme. "Siguro pang tatlong daan ka na." Panloloko sa kanya nito. He is teasing her.

"Ang babaero mo naman." She laughed hard.

"Hindi ka man lang nagalit, baby," nagtatampo na turan sa kanya ng binata. Now, it's her turn to piss him.

"Bakit naman ako magagalit?" she asked innocently.

"Ewan ko sa'yo, Awesome."

Now, he's calling her by her name. Kapag ganoon ay alam niyang medyo nainis na niya ang binata.

"Why does it sounds like break-up?" she asked.

Halatang naguguluhan sa kanya si Speed. "What?"

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon