Chapter 29

1.4K 55 9
                                    

"CANDICE!" tawag niya sa kaibigan niyang tila ang layo layo sa kinaroroonan. She's running towards her friend. . . she's out of breath but she's trying her best not to stop. "C-Candice, best. . . wait for me!" Sigaw niya muli pero dire-diretso lang ng lakad ang kaibigan niya.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naghahabol sa kaibigan pero natigil siya nang may marinig siyang isang iyak. Nilingon niya kung saan niya banda naririnig ang iyak ng isang bata.

Her heart twitched in pain when she saw a baby crying. "Amazing?" she whispered. Ang anak niya iyon. Muli niyang nilingon ang gawi ni Candice pero wala na ito kaya nagmamadali siyang pumunta sa gawi ng anak para puntahan iyon.

Pero gaya nang kay Candice kanina, hindi niya ito mapuntahan. . . her baby is too far away from her but she can clearly hear his wailing.

"A-Anak," kahit nanginginig ang mga tuhod niya at hirap na hirap na siya sa paghinga ay pinilit niyang takbuhin ang pwesto ng anak. "Please. . . please baby, let me hold you. Let me hold you," pagmamakaawa niya.

Umiiyak na tumakbo siya para mahagkan ang anak. Gusto gusto niyang mahawakan ito at mahagkan man lang. Gusto niyang naranasan na hawakan ito kahit isang beses man lang. "Please, baby . . . sige na," umiiyak na saad niya habang tumatakbo. "Please. . . hayaan mong hawakan ka ni Mama."

Wala siyang ibang marinig kundi ang iyak ng anak at sobrang masakit ang dibdib niya dahil doon. Hindi makayanan ng puso niyang marinig ang malakas na iyak ng anak. Mabilis na pinunansan niya ang kanyang mga luha at tumakbo ulit pero parang mas lumalayo ang boses ng anak.

Pakiramdam niya ay papalayo ito kaya napaluhod siya sa kanyang pwesto. Wala siyang makita. . . puro puti lamang iyon. Wala na siyang makita kahit ano.

"Anak k-ko. . ." she breathe out while crying. "Nasaan ka na, please. . . please let me hold you," pagmamaakawa niya.

Nagulat siya nang makita niya sa kanyang tabi ang anak. Her heart started to flutter. Tumutulo ang mga luha niyang tinignan ang anak. "Baby k-ko. . ." she whispered. Her voice cracked. "Baby. . . " nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang bata.

The baby is toi small and too thin. Ang payat payat nito at halatang kulang sa buwan kaya mas lalo siyang naiyak. Niyakap niya ang anak at hinalikan ang noo nito. "I'm so sorry. . . I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit niyang saad. Hindi niya alam kung ilang beses niyang binibigkas ang mga katagang iyon.

Umiyak ang anak niya kaya mabilis na tinanggal niya ang pagkakayakap dito at inalo ito. "Shh. . . don't cry, baby. Nandito na si Mama. . . nandito na si Mama." Pinunasan niya ang mga mumunting luha sa pisngi ng anak at hinalikan ang noo nito. "K-Kasama na k-kita, anak ko. . . magkasama na t-tayo rito."

Nagulat siya nang unti-unting nawala ang anak sa kanyang anak. Umiiyak na hinigpitan niya ang yakap dito. "No, no, no, please. . . please. Huwag mo akong iiwan. . . sasama si mama sayo, sasama ako sa'yo, p-please, pagmamakaawa niya. Ayaw niyang pakawalan ang anak. . .ayaw niyang bitawan ito.

"Sasama si Mama, isama mo na a-ako. . ." naglaho na parang bula ang kanyang anak. She sobbed hard. Dinig na dinig niya ang lakas ng kanyang paghikbi. Hindi niya mahanap ang kanyang anak.

Umiiyak na tumayo siya at tumakbo kung saan saan. Umiiyak na hinahanap niya ang kanyang anak. Natigilan siya nang may humawak sa kanyang braso.

Pakiramdam niya ay nanigas ang kanyang katawan nang makita niya kung sino ang may hawak sa kanyang kamay. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng kakampi.

"C-Candice," her teardrops fell when she whispered her friend's name. "Candice. . ." her voice cracked. Itinaas niya ang isang kamay at hinawakan ang mukha ng kaibigan. Nanginginig ang mga kamay niya pero hindi niya iyon ininda.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon