Chapter 14

1.4K 41 2
                                    

"THIS IS TOO MUCH!" Sigaw sa kanya ng kakambal at nagsimula na namang naglakad lakad sa loob ng kwarto ng hospital. "Tangina naman, Awesome Jianna!" he shouted at her once again.

Nagsiunahang tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata. She tried her best not to cry and feel the pain but it's too much to bear. . . too much to be ignored.

Hindi niya alam kung papaano siya nakarating sa hopsital. Kagigising niya lang at ito ang nabungaran niya. Ang kapatid niyang mukhang basang basa rin sa ulan at ang buhok nito ay magulo. Halatang galing din ito sa ulan at nang tignan niya ang kamay nito ay kitang kita niyang namumula ang mga kamao nito.

She sighed and laughed weakly. Hindi niya alam kung dapat pa ba siyang mabuhay. Parang hinihila lang niya ang mga tao papunta sa kadiliman.

Speed told her that he's an evil little did he know, she's the whole hell.

Hindi niya mapigilang maiyak habang tumatawa. She looks insane at the moment but what can she do. . . labis na naghihirap ang kanyang kalooban.

"Spec. . . bakit niligtas mo na naman ako? Makakasama ko na ang anak ko, e. Konti na lang, Spec, makakasama ko na siya, e." Tumulo ang mga luha niya habang tinitignan ang kakambal.

Nakita niyang natigilan ito sa kanyang sinabi at kitang kita niya rin ang galit sa mga mata nito.

"Awesome! and you think magkakasama kayo kapag namatay ka? How many times do I have to tell you that we can't let you go?" Spec's voice cracked. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan nito para sa kanya. Her heart is breaking seeing her brother in that state but what can she do, all she want is to be with her child.

"That's selfish, Spec. . . ayaw ni'yo akong pakawalan dahil nahihirapan kayo." Tinuro niya ang sarili gamit ang daliri pagkatapos ay hinampas ang dibdib gamit ang kanyang palad. "Kumusta naman ako? Nahihirapan na ako, Spec. . . hirap na hirap na ako!"

May bahid ng pagmamakaawa, sakit, galit at guilt ang boses niya. Tumutulo ang mga luha niya pero  hindi niya na pinunasan iyon. "Gusto ko lang naman na takasan ito. Hindi ka ba napapagod? Hindi ba kayo napapagod, Spec?"

"Selfish ka rin naman, Aji!" sumbat sa kanya ng kakambal. "Napakaselfish mo. . ." Spec's voice cracked for the second time. "Napakaselfish mo sa part na ayaw mong gumaling. Napakaselfish mo sa part na ayaw mong magpagaling. Napakaselfish mo sa parteng sinasarili mo ang lahat kahit na ang totoo ay marami kaming nandito para sa'yo. Hindi mo man lang kami iniisip, sarili mo lang iniisip mo!" Tumulo ang mga luha ng kapatid at nakita niya kung papaano nito pinunasan iyon ng marahas.

"Aji naman. . . ilang beses mo pa ba kami paghihirapan?"

Tinitigan niya ang kanyang kapatid. Tinignan niya ang sakit sa mga mata nito, sa buong katawan nito. Nakita niyang may sugat pa ito sa kamay pero tila namumutla ang parteng iyon.

Tinignan niya ang buong katawan ng kakambal. He looks so lost right now. Halata rin ang sakit na iniinda nito sa katawan.

Sabihan man siyang selfish pero ayaw na niyang gumaling. . . ayaw na niyang magkaroon pa ng pag-asa.

The pain she is feeling right now is unbearable. Alam niyang nasasaktan ang kakambal pero alam niyang mas nasasaktan siya.

Sa kanilang dalawa. . . siya ang ubos na ubos. Siya ang wasak na wasak.

"Hindi mo man lang inisip sila Mommy at Daddy, Aji. Halos magwala si Mommy nang malaman niya kung anong nangyari sa'yo. Pasalamat ka at walang nangyaring masama sa kanya, Aji. . . dahil kung hindi. . . "

"Hindi ko ako mapapatawad." She answered.  Hindi patanong ang sagot niya sa kakambal. Nakita niyang natigilan si Spec sa kanyang sinabi.

Dapat nga ay dati pa siya hindi napapatawad ng kapatid. Hindi niya deserve ang kapatawaran nito. Dapat ay kinamumuhian siya nito. . . siya ang dahilan kung bakit namatay ang mahal nito. Her heart shattered because of that.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon