Chapter 4

2K 41 1
                                    

BINASA niya ulit ang kanyang sulat sa umagang iyon. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang notebook na ang naubos niya. Alam niyang mahigit libo na rin ang nagawa niyang sulat para sa dalawang taong nawala sa kanya.

Hey beautiful,

          How are you, bestfriend? How are you feeling? Wala na ba ang sakit sa'yo? Hindi ka na ba nahihirapan diyan? Please tell me naman kung hindi ka na nahihirapan para hindi na ako nag-aalala. I know you hate me because of what happened, that's why I'm sorry. . . I'm really sorry, Candice, I'm sorry. I know, saying sorry through letter is unacceptable but I don't know how to apologize to you. You won't let me see you, you won't let me talk to you. Ilang beses ko nang tinatangkang tapusin na para mawala na rin at para makausap ka pero hindi ako nagtatagumpay. I don't know what to do anymore, bestfriend. I'm already tired. . . ubos na rin ako. Miss na miss na  kita. Namimiss ko na rin siya, walang araw na hindi ko siya namimiss. Ubos na ubos na ako, Candice. Please let me be with you, please, kunin mo na rin ako. Kapag nakita mo siya diyan puwede bang pakisabi na miss ko na siya? That I'm sorry that I lost him, too. I'm so sorry for the pain that I caused him. It was never my intention to hurt him...to kill him. I'm really sorry. Please, Candice, magpakita ka naman kahit minsan. I'll be happy if that happens. I love you.

Pakiramdam niya tila naubos siya nang basahin niya ulit ang sinulat niya. Nanghihinang umupo siya  sa harapan ng kanyang vanity mirror at nanghihinang niyakap ang kanyang notebook. Her heart is breaking and it's painful. The pain is unbearable on her part, but it's not enough to kill her. Parang nararamdaman niya lang ang sakit para i-torture ang puso niya, ang pagkatao niya. She's crying and sobbing when she remembered how happy she is years ago, when she's still with Candice. Ang dami nilang plano ng kaibigan niya.

Plano nilang magpatayo ng sarili nilang beach house at doon sila titira kasama ang mga magiging pamilya nila. Plano nilang lumibot sa mundo at plano nilang i-spoil ang kanilang magiging anak kahit na awayin pa sila ng mga asawa nila. Marami silang plano ni Candice at alam niyang hindi na iyon mangyayari and that hurts her. No...it kills her.

Sa tuwing naaalala niya ang kanyang kaibigan ay hindi niya maiwasang malungkot at wala siyang ibang magawa kundi ang tangkaing sumunod na rin. She's dying inside knowing that her friend died because of her. Her friend died infront of her and she can't do anything about it. Namatay ang kaibigan niyang pri-no-protektahan siya samantalang siya ay walang nagawa.

Pain, I need some pain!  Her mind shouted. She' s trembling. . . Kailangan niyang makaramdam ng sakit para mawala ang sakit sa kanyang dibdib. Kailangan niya ng pisikal na sakit para mawala ang kanyang isipan sa dalawang taong nawala sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay niyang kinalkal ang drawer niya pero wala siyang makitang cutter. She's now frustrated, kailangan na niya ng sakit kaya walang sabi sabing naglakad siya papunta sa kusina ng bahay nila. Nakita pa siya ng ilan nilang kawaksi at hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga ito. Mabilis na kinuha niya ang unang kutsilyong nahagip ng mata niya at mabilis na bumalik sa kanyang kwarto.

Pumapasok siya sa kanyang banyo at susugatan na sana ang kanyang pulsuhan nang maramdaman niya ang mabilis na pagpigil sa kanya ni Spec.

Nailigtas na naman ako ng Spec. Saad ng kanyang isipan.

"Aji! What the fuck!" Sigaw sa kanya ng kapatid at pilit na inaagaw ang kutsilyong hawak niya. "Give me that shit!"

With her trembling whole being she managed to stand up straight and face her brother. "N-No, I-I won't, a-alis ka muna, Spec. Mabilis lang ito," pagtataboy niya sa kanyang kakambal. "P-Promise, mabilis lang i-ito. B-balik ka after an hour, s-sabihin m-mo nakita mo na lang akong w-w-wala na."

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon