"HINDI ka ba papasok?" tanong sa kanya ni Spec nang pumasok ito sa kanyang kwarto. Mabilis na pinunasan niya ang kanyang mga luha at ngumiti ng malapad rito.
Sa ginawa niyang iyon ay nakitaan niya ng pag-aalala at galit ang mga mata ng kakambal. "Bumangon ka na, Aji. . . papasok ka pa, late na tayo."
Umiling iling siya ng ilang beses at lumunok ng ilang beses dahil pakiramdam niya ay may bumabara sa kanyang lalamunan. "Nag-email na'ko sa school, Spec. Nag-sick leave ako."
"May masakit ba sa'yo?" Spec asked her. Lumapit ito at tinanggal muna ang coat bago ilapag sa kanyang kama. Umupo ito sa kanyang tabi at hinihintay siyang mag-open ulit.
Kahit nahihirapan siya ay ngumiti siya ng malapad sa kakambal. Hindi naman siya ganito dati. Dati ay lantaran niyang ipinapakita sa kakambal na nasasaktan siya. . . na gusto na niyang mamatay kaya nagtataka siya kung bakit nagpapanggap siya na ayos lang siya ngayon.
"All goods, Spec."
"Liar." Inihiga ni Spec ang kalahati nf katawan sa kanyang kama at tsaka siya nito nilingon. "Just cry if it fucking hurts, Aji."
She chuckled. Tumawa siya ng marahan para takpan ang sakit sa kanyang puso pero kahit ganoon ay hindi pa rin nito natatakpan ang sakit.
It's like no matter how hard she tried to erase those painful memories, no matter how much she tried not to get hurt by Speed's words, she cant. She's hurting and no one can change that fact."Spec, late ka na. Gusto ko lang matulog."
"Ang sinungaling mo, Aji. . . please, just let it all out. Kung masakit umiyak ka." Inabot ni Spec ang kanyang kamay. "Huwag ka lang magpapanggap na hindi ka nasasaktan dahil alam natin pareho na nasasaktan ka. Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?"
Hindi niya alam kung away ba ang nangyari sa kanila ni Speed kaninang madaling araw. Hindi pa niya binubuksan ang kanyang cellphone para tignan kung may nagmessage ba sa kanya. . . kung nagmessage ba si Speed sa kanya.
Kasalanan niya naman dahil masyado siyang nagtiwala, kasalanan niya dahil iniasa niya kay Speed ang nararamdaman niya. Akala niya kasi ay palagi itong nasa tabi niya kapag kailangan niya ito.
Naniwala na naman siya sa maling akala gaya noong nakaraan.
Kahit ayaw niyang isipin, hindi niya maiwasang isipin na parang pinipili ni Speed ang ibang babae kaysa sa kanya. Hindi man lang nito tinanong kung anong problema niya, kung ayos lang ba siya. Hindi man lang naisip ng binata na masasaktan siya sa mga salitang binibitawan nito.
Pero ganoon naman talaga. May mga bagay talaga na hindi niya mapipilit. Hindi niya mapipilit ito na piliin siya at iwanan ang kaibigan dahil nasasaktan din ang kaibigan nito. Alam ni Speed ang sakit sa side ng kaibigan nito. . . pero ang kanya ay hindi nito alam kaya malabo na siya ang piliin nito. She smiled bitterly because of that.
Ang role niya lang talaga ay ang tulungan ang binata. Hindi ang manghingi ng tulong. . . dahil hindi rin naman siya pala matutulungan nito.
Mabuti na lang pala at nagdesisyon siyang tatapusin ang lahat dahil kung kakapit siya sa binata, mawawasak lang din siya. . . mas malala pa kaysa sa nakaraan.
Natawa siya nang bahagya nang pinakatitigan siya ng kakambal. "Ano?" she chuckled, "ayos lang ako rito, Spec."
Spec sighed. Tumayo na ito at nagulat na lamang siya nang yakapin siya ng kakambal. "Please, Aji. . . please be honest. Sigawan mo ako gaya ng dati, umiyak ka, just cry--"
"I want to hurt myself," she whispered. Naramdaman niyang may bumabara sa kanyang lalamunan. Hirap na hirap siya nang sabihin niya ang katagang iyon. Gustong gusto na niyang makaramdam ng sakit. . . just this once, gusto niyang makaramdam ng sakit.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...