Chapter 42

1.4K 53 7
                                    

DAHAN dahang itinupi niya ang nabasang papel na nakita niya sa lumang notebook ni Awesome. Pagkatapos ay ibinalik iyon sa pinakagilid ng mini bookshelf nito kung saan ito dating nakapwesto.

He took a breath and smiled weakly even if his lips were trembling. "B-baby. . . " he whispered.

Hindi niya akalain na iyon ang iniisip ng dalaga. She actually wrote a bucket list. She wrote things that she wants to experience before she will end her sufferings.

Luma na ang papel na nakita niya at hindi niya alam kung naaalala pa iyon ng dalaga. Dahan dahan ay tinignan niya ang natutulog na kasintahan at hinalikan ang noo nito.

Hinawi pa niya ang ilang hibla ng buhok nito na bahagyang nakatakip sa mukha nito. "I hope your smiles and laughters were all true, baby. . . I hope I'm making you happy this time."

Dahan dahan ay umusog siya para makahiga sa kama ng dalaga at ipinatong niya ang ulo nito sa kanyang braso. Nararamdaman naman niyang niyakap siya nito kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti.

"Speed," Awesome whispered his name.

"Hmm?" he asked her. Hinaplos pa niya ang mukha nito at hinalikan ito sa noo. "Sleep more, my love. . . it's just 2 in the morning," saad niya.

Dahan dahan ay bumukas ang mga mata nito at nginitian siya ng bahagya. Iniangat nito ang mukha para mahalikan siya sa labi.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" her bedroom voice send shivers to his whole body. He smiled because of that. Her sleepy eyes, bedroom voice, slightly messy hair and beautiful face that is touched by the light of the lampshade makes his heart flutter in so much happiness. Those little things can make his heart flutter in an instant. He's really inlove with her. . . so much inlove.

"I'm just watching you, mahal," he answered her. Hinigpitan niya ang yakap dito at hinalikan muli ang noo nito. "You're too beautiful that I can't stand up and leave you because it scares me, my love. . . natatakot ako na iwanan mo ako kapag nawala ka sa paningin ko."

Naramdaman niyang nagsumiksik si Awesome sa kanyang leeg at hinalikan iyon ng bahagya. "S-Speed. . . do you think. . . you can still be happy without me?" she asked him.

Pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya dahil doon. His heart twitched in pain because of that. Hirap na hirap siya sa paghinga pero ngumiti siya at ipinikit ang mata. "You're my happiness, my love. . . I don't think I'll be happy if you ever leave me."

"Don't," Awesome whispered. "Don't say things like that, baby. . ." her voice cracked. "I'm not leaving you now."

Now. . . that means you're still planning on leaving me, baby. Mahinang bulong ng isipan niya sa dalaga pero hindi na niya iyon sinabi para hindi na sumama ang loob nito.

"I love you," he whispered and tightened his hug. "I really love you. Let's do all the things you want to experience, baby."

And after that. . . if you still want to escape this cruel life. . . I'll let you go, I promise.

Naramdaman niyang tumango tango ito. "Mahal din kita, salamat sa lahat," sagot nito sa kanya. Hindi na niya sinagot ang dalaga at hinaplos niya ulit ang buhok nito at kinakantahan ng mahina.

Palagi niyang kinakantahan ng mahina ang dalaga dahil alam niyang kumakalma ito sa kanyang boses. And also. . . singing is his way to express how much he loves her.

His heart is aching with the idea of her leaving him. Nasasaktan siya habang iniisip na nahihirapan na si Awesome kaya naman nagdesisyon na siya.

He kissed her temple once again and continued on singing. Nababasag pa ang boses niya dahil sa pinipigilan niyang mga emosyon pero hindi siya tumigil sa pagkanta para sa dalaga. Ipinagpatuloy niya ang pagkanta hanggang sa maramdaman na niya ang malalim nitong paghinga.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon