SHE sighed for the nth time. Hindi niya kasi ma-contact si Speed. Maayos namang nagpaalam ito sa kanya noong nakaraang linggo.
Maayos na naghiwalay sila at nagmessage pa ito sa kanya noong nakauwi na ito kaya ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya.
Akala niya ay gusto lang nitong mapag-isa dahil masyadong mabigat ang inamin nito sa kanya. Oo, mas mabigat pa ang nararamdaman niya, mas malala ang sakit, mas ramdam niya ang pagkawasak pero hindi maaalis na nasasaktan din ang binata. . . nasasaktan din si Speed. Nauubos din ito.
Tao lang din ito at alam niyang may mga panahong gusto na nitong sumuko pero hindi nito naitutuloy. Guilt is probably eating him alive that's why he is calling himself monster or evil all this time.
Gusto niyang tawanan ang sarili sa kanyang katangahan. Nag-aalala siya sa binata dahil hindi ito nagpaparamdam sa kanya, nag-aalala siya dahil baka may maisipan itong masama pero hindi siya nag-aalala sa kanyang sarili.
Hindi niya man lang inisip ang sarili niya. Kung papaano niya ililigtas ang sarili niya mula sa sakit. . . sa nakamamatay na sakit.
The emotional pain is too much, too much for her to survive a day, but she's still surviving anyway. Hindi niya alam kung maganda ba iyon o hindi. Alam niyang habang buhay siya, makakaramdam siya ng sakit ng hinagpis at ng guilt.
Habang nabubuhay siya. . . unti unti siyang pinapatay ng kanyang nakaraan at masakit iyon. Pagod na pagod na siya.
Pagod na siya sa set up niyang ganito. . . iyong pipiliting magpakamatay pero maililigtas ng kakambal, iyong binibigay ang sarili sa iba para iligtas ang mga ito pero ang mismong sarili niya ay hindi mailigtas sa sakit ng nakaraan.
She's tired of everything. Gusto na niyang tapusin ang lahat . . . but for the past few days, si Speed lang ang nasa isip niya. Iniisip niya kung kumusta na ba ito, kung kumain na ba ito, kung ayos lang ba ito o kung nasasaktan pa rin ito ng todo.
Gusto niyang yakapin ang binata at aluin ito, gusto niyang sabihin rito na ayos lang ang lahat. Magiging maayos din ito at na magkakaroon din ito ng peace sa sarili. . . mapapatawad din nito ang sarili.
Gusto niyang i-comfort ang binata. . . kasi sa ganoong paraan niya ito matutulungan.
Hindi niya alam kung bakit gusto niyang gawin ang mga bagay na iyon gayong ang sarili niya ay hindi man lang niya mailigtas sa sakit, ang sarili niya ang labis na nasasaktan.
Sa kanilang dalawa, siya ang mas nasasaktan, siya ang mas nawasak, siya ang mas nasira. Kaya nga nagtataka siya kung bakit gusto niyang buoin ang binata, kung bakit niya ito gustong tulungan gayong kasama ito ng mga bumaboy sa kanya.
Life is really cruel to her. . . parang ayaw ng buhay na maging masaya siya, ayaw ng buhay na magkaroon siya ng katahimikan. Parang sinasabi sa kanya na kamatayan na lang ang makapagliligtas sa kanya mula sa sakit.
The pain in her heart is too much that even her family can't help her. It's not her heart who is broken. . . it's her soul and while being.
Hindi lang ang puso niya ang nawasak. . . buong pagkatao niya.
"Busy ka pa, Ma'am Aji?" tanong sa kanya ng isa sa kanyang co-teachers. Lunch break na kasi at hindi pa siya lumalabas sa kanyang classroom. Nakatulala lang siya at iniisip si Speed.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
عاطفية[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...