Chapter 5

1.9K 42 2
                                    

NILIBOT niya ang kanyang paningin sa loob ng  condo unit. The whole unit is screaming the word simplicity. Black curtains, sofa and a center table with black carpet. Napaisip tuloy siya kung paborito ba ng lalaki ang itim dahil kung ganoon ay pareho sila nito.

Dahan dahan ang pagpasok niya na tila ba natatakot siyang makabasag ng kung ano dahil may mga mamahaling vase rin sa sulok. It looks like Speed Egell is very rich man. Pero hindi na siya magtataka roon. Ghebreyesus is very powerful, influential and filthy rich.

"Welcome, baby Awesome." Niluwagan ni Speed ang pagkakabukas ng pintuan para papasukin siya.

Dapat ay natakot na siya noong sinabi ni Speed sa kanya na sumama siya sa condo nito. Ilang taon na rin simula noong sumama siya sa lalaki at ang huli ay hindi naging maganda ang kinalabasan kaya dapat ay natatakot na siya ngayon pero hindi siya natatakot. Wala siyang maramdamang takot dahil kasama niya si Speed.

It's like she's safe when she's with him and the feeling is awesome.

Nang makapasok siyang tuluyan ay inaya siya ni Speed sa kusina. Halos mamangha siya nang makita ang kusina ng binata. May mga kutsilyong nakasabit at nasisigurado niyang matatalim ang mga iyon. Now she's wondering if those knives can kill her. Her heart started to beat fast when she imagined herself cutting her wrists using those knives.

It is surely painful. . . I like that. I like the pain because it feels like life.

Natigil siya sa pag-iisip nang marinig niya si Speed na nagbukas ng ref nito.

"Drinks, baby? What do you want? Tequila? Margarita? Beer? Coffee? Jui--

"Water, cold water," she cut his words off. Her voice cracked a little bit because she can't believe that she's fascinating the pain. The torturous pain, she's enjoying it. . . now, she's thinking on how to cut her wrist again, for her to feel the pain.

It's because for the past years, that's all I can feel. Pain.

"Water lang? Mahina." Tinalikuran na siya ni Speed at nagsimulang magsalin ng tubig sa baso bago nito iabot sa kanya.

"Mahina?" tanong niya sa binata. Hindi niya ma-gets ang ibig sabihin nito na mahina siya dahil humihingi siya ng tubig.

"Yeah, I thought you would ask for something strong like beer--"

Kumunot ang noo niya dahil sa kumento ng binata. "I don't drink, I'm sorry."

Speed faked his surprised expression. "Paano ka nabubuhay?"

Kung kanina ay iniisip niya kung papaano niya papatayin ang sarili at kung papaano siya makararamdam ng sakit. Ngayon ay gusto niyang sapakin ang binata para matauhan ito. Hindi na talaga sila nagkaroon ng matinong usapan.

Pero mas gusto na niya ito ngayon kaysa sa nakita niya kanina. Pakiramdam niya kanina ay maiiyak na rin siya nang makita niya itong halos magmakaawa na tulungan siya.

He looked so lost that moment. So lost and so  fragile. Dalawang tao pa lang ang nakikitaan niya ng ganoong ekspresyon sa tanang buhay niya. Ang una ay ang kakambal niya noong namatay si Candice at ang pangalawa ay si Speed na kaya alam niyang masakit ang pinagdadaanan ng binata.

If I can't get out from my past. . . I'll help him. I know, I can't escape this hell but I know, I can help Speed escape his dark past.

"Baby Awesome." Pinitik ni Speed ang kanyang noo kaya sinamaan niya ito ng tingin. Hindi niya namalayan na natutulala na naman pala siya.

"Ang ibig kong sabihin, hindi ako umiinom ng alak, Speed Egell Ghebreyesus," mahabang pagpapaliwanag niya sa sinabi miya kanina sa binata. Nakita niyang tumango tango ito at tsaka ngumiti ng nakakaloko.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon