"AKALA ko ba ay gusto mo siyang makita, Aji?" tanong sa kanya ng kanyang kapatid nang makaalis na si Speed.
She slowly opened her eyes and that moment, tears started to cascade down from it. "A-Ang s-sakit pala. . . " she whispered. Nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa labis na pag-iyak at pakiramdam niya ay may bumabara roon. Nahihirapan siyang huminga at nahihirapan siyang magsalita dahil masakit ang kanyang dibdib.
"He's willing to help you, Aji. . . " her Dad caressed her face. Inayos nito ang buhok niyang nakatakip sa kanyang mukha at inipit iyon sa likod ng kanyang tenga. "Aji. . . please, huwag mo naman kaming pahirapan ng ganito, baby."
"D-daddy--"
"Willing siyang bumalik sa'yo. Nakita kong mahal na mahal ka niya, please lumaban ka naman, anak ko." Hinaplos nito ulit ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang mga luha.
Umiling iling siya. "Ayaw ko na, D-daddy. . . how c-can I love him if I can't even love myself? How can I go back to him when all I can remember is his words that hurts like hell and how he cheated on me?"
Gusto niyang hawakan ang kanyang dibdib para ituro ang kanyang puso pero hindi niya maigalaw iyon dahil nakatali ang kanyang kamay. Mas lalo siyang naiyak dahil doon. "Ang sakit sakit sa puso, Daddy. . . lalaban naman ako noon, kaya ko pa naman noon." Lumunok siya ng ilang beses bago tignan ulit ang ama. "But cheating? Really? Akala ko ako lang. . . ipinaramdam niya sa aking mahal niya ako pagkatapos ay maririnig ko na lang na may kasama siyang ibang babae sa kwarto?"
Hindi na niya napigilan. Humikbi siya ng malakas. She can hear her sobs filling the whole room and it breaks her heart. Napakasakit pakinggan ng sarili niyang paghikbi.
"Ang sakit sakit po, Daddy. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. . . saan ba ako nagkulang para pagtaksilan niya? Ibinigay ko na sa kanya ang lahat. . . I gave him my everything." Humikbi siya ng ilang beses bago ipikit ang kanyang mga mata. "Kulang p-pa ba 'yon? K-kulang pa ba ang lahat ng nagawa ko, Daddy?"
Hindi siya sinagot ng dalawang lalaking kasama niya kaya hinayaan niya lang na damahin niya ang sakit sa kanyang dibdib. Masakit iyon, masakit na masakit. . . hindi na yata maaalis ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
She cried silently while reminiscing her good and bad memories with Speed, with Candice and her dream when she's with her son. Kasama ang anak niyang hindi man lang niya nahawakan . Sa panaginip lang niya nahawakan o nakita.
Sa dami ng sakit ng nararamdaman niya ay hindi niya na alam kung papaano pa siya babangon ulit. . . ayaw na pala niyang bumangon ulit.
She's too broken and shattered to get healed. No one can help her. . . no one, even Speed. Kahit ang taong pinakamamahal niya ay hindi siya matutulungan.
She can no longer feel the peace and comfort whenever he's with her. Nang makita niya ito ay takot at sakit na ang nararamdaman niya. She's too broken. . . and Speed hurt her even more.
Totoo nga siya ng hinala na lalayuan siya ng lalaki kapag nalaman nito na siya ang babaeng hindi niya nailigtas noon. Totoo ngang sinisisi nito ang sarili at kinakain ito ng konsensya. Pero. . . hindi iyon sapat na dahilan para makipagsiping ito sa ibang babae.
Her lips tremble. "Ang s-sakit sakit na po talaga Daddy. . . I'm asking you one more time. Please, please let me go na po," pagmamakaawa niya. Naramdaman niyang hinawakan siya ng ama sa kanyang braso.
"He's willing to h-help y-you, Aji. . . " nabasag ang boses ng kanyang ama kaya binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita niyang umiiyak na ito habang nakaupo sa kanyang kama at nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...