Chapter 41

1.5K 51 15
                                    

SHE let out a small smile when she saw herself infront of the mirror. Hindi na niya kailangang magsuot ng may mahahabang manggas para lang takpan ang mga peklat niya sa kanyang braso.

Speed made sure that he loves her . . . all of her, even her scars and all. Inayos niya ang pagkakaribon ng strap ng kanyang summer dress at ang kanyang hairclip na tila ba isang teenager.

Pinasadahan niya muli ang sarili niya at nakita niyang tila nanaba na naman siya. Ilang linggo na rin ang nakararaan simula nang nahuli siya ng kanyang mga magulang at pati na rin ni Speed na nagbigti at sa mga nagdaang araw ay hindi siya hinayaan ng binata kahit isang araw man lang.

"Baby?" narinig niyang tawag sa kanya ni Speed habang kumakatok sa kanyang kwarto. "Awesome Jianna," tawag nito muli sa kanya na tila ba natataranta.

Napahinga tuloy siya ng malalim dahil doon. Alam niyang nag-ca-cause na siya ng takot sa kanyang mga mahal na buhay kaya naman kahit hirap na hirap na siya ay pinipigilan niyang saktan muli ang kanyang sarili.

Kapag gusto niyang saktan ang sarili ay palaging nasa tabi niya ang binata at kinukwentuhan siya kung hindi naman ay isinasayaw siya nito hanggang sa makalimutan niya ang sakit sa kanyang puso.

Speed made sure that he's always at his side no matter what happens. Hindi niya pa rin alam kung bakit hindi na muna tumira sa bahay nila ang binata dahil palagi naman itong pumupunta sa kanya lalo na sa gabi.

Minsan ngang hindi niya ito na-reply-an ay nagulat na lamang siya kinabukasan dahil naabutan niya itong natutulog sa labas ng kanyang kwarto. Her heart twitched in pain amd flutter at the same time because of that.

He's really doing anything just to make sure that she's fine and safe. That day she promised to herself that she needs to make it up to her.

"Mahal, bakit naman hindi ka sumasagot--" natigilan ito saglit nang makita siyang nakaupo sa harapan ng kanyang vanity mirror. "wow-- you're so beautiful, my love!" palatak nito sabay kuha ng cellphone sa bulsa.

"No pictures, please," she chuckled. Hindi naman siya pinakinggan ng binata at kinuhanan pa rin siya ng litrato. Natatawang inaagaw niya ang cellphone nito pero hindi ito nagpaawat at natatawang tumakbo sa isang sulok ng kanyang kwarto.

She laughed at him when she saw what he did. Itinago lang naman ng lalaki ang cellphone sa harapan ng kanyang pantalon. "Come on, baby. . . come here and get it," he raised and eyebrow.

Kinuha niya ang unan na nasa gilid niya at sinugod ito. Nang maabutan niya ito ay hinampas niya ito ng unan.

"Hey, hey! Joke lang naman, baby ko," natatawang reklamo ni Speed habang iniiwasan ang kanyang mga palo. Wala pa ring humpay ang paghampas niya rito.

Naramdaman na lamang niyang gumaganti na sa kanya si Speed nang may maabot itong unan.

They are hitting each other using a pillow and laughing like kids. Hindi naman masakit ang mga palo ng binata dahil hindi naman nito nilalagyan ng pwersa iyon.

"Tama na, baby. . . date na lang, please. Mag-date na lang tayo," humihingal na saad ni Speed pero natatawa pa rin siya na hinahampas ito ng unan. She's having fun having a pillow fight with him.

Pabagsak na naihiga siya ng binata sa kama nang mahuli nito ang kanyang mga kamay. He pinned her to her bed and now, he's above her. She gulped hard when their eyes met.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon