Chapter 8

1.7K 43 0
                                    

"GOOD MORNING, Ma'am Awesome," Nginitian siya ng matamis ni Speed nang makita siya nitong hinatid ng kanilang driver. Inirapan niya lamang ito. Gulat na gulat pa ang mga guard sa harapan ng gate nang makita ng mga iyon kung ano ang ginawa niya sa anak ng boss nila.

"Come on, Ma'am, let me carry your laptop." Inilahad nito ang kamay para kunin ang kanyang laptop pero inismiran niya lang ulit ito.

"Good morning, ma'am Aji!" narinig niyang bati sa kanya ng mga bata kaya naman nginitian niya ang mga ito at kinawayan. She's waving her hands happily while looking at the children playing.

Halos mapatalon siya nang biglang tumakbo si Speed papunta sa direksyon kung saan siya kumakaway at kumaway pabalik sa kanya. "Ma'am naman," reklamo nito. "Pansinin mo na ako."

"Sabi ko pasasabugin ko nguso mo. . . pagtapos mo akong halikan, tinakbuhan mo'ko?" Pabulong pero may diin na saad niya. Kaunti na lang talaga ay hindi na siya maniniwalang may problema ito dahil sa pinakikita nito sa kanya.

Speed smiled sheepishly because of that. "Gusto mo ulitin natin? Promise I won't run away. This time, we will end up inside my room, fucking, moaning and-- hey, my baby Awesome!" Habol nito sa kanya nang talikuran niya ito at iniwang nagsasalita.

Pero hindi pa siya nakakailang hakbang ay mabilis na hinawakan ni Speed and kanyang kamay at hinila papunta sa gilid.

"Baby. . . " he breathe out, parang hirap na hirap ito sa sitwasyon nila ngayon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng palihim dahil sa reaksyon nito.

Ilang taon na ba simula noong makaramdam siya ng ganito? Hindi pa yata siya  nakararamdam ng ganito sa tanang buhay niya. It's like this is the first time.

"You're smiling, my baby Awesome." Sinamaan siya nito ng tingin.

"Stop calling me baby muna," she demanded. Oo nga at sweet iyon pero sa tingin niya overrated na ang baby para sa kanilang dalawa. Sa tingin niya ay hindi bagay iyon sa kanila, lalo na sa mga edad nila. She's already 23 for Pete's sake!

"How about love? Pwede na ba?" Speed asked her. Umiling siya ng kaunti at nag-isip.

"Pare," she smiled at him.

"Pare-hin mo mukha mo," mabilis na sansala nito sa kanyang sinasabi.

"What?"

"I'm not just your pare," he commented. "We kissed, that means we're not mag- pare."

Mabilis na tinakpan niya ang bibig nito gamit ang maliit na palad niya. She shot him a death glare. Ang liit liit niya kapag kasama ito kaya parang inaabot na niya ang bibig nito.

Naramdaman niyang dinilaan ni Speed ang kanyang palad kaya mabilis na tinanggal niya iyon sa bibig nito.

"That's gross!" she hissed.

"C'mon, baby Awesome--"

"Not that endearment nga kasi!" reklamo niya.

Speed just laughed at her. Kinuha na nito ang hawak hawak niyang mga gamit niya sa pagtuturo at tsaka kumindat sa kanya. "Baby, I'm sorry about the kiss and run scenario last Saturday. Kinabahan ako, e."

Natigilan siya nang humingi ito ng tawad sa kanya. His voice sounded so sincere and looks like he's shy apologizing at her.

"Akala ko kasi sasapakin mo ako, my baby Awesome." Nilingon siya nito ngumiti ng bahagya na tila ba nagpapa-cute sa kanya. "Bati na tayo?" He asked her sheepishly.

Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay gumaan ang lahat nang gawin iyon ni Speed sa kanya.

Speed apologizing is one of the most purest thing that she ever experienced. Siguro ay hindi lang siya nasanay na may humihingi ng tawad sa kanya. Nasanay na siyang siya palagi ang humihingi ng tawad kaya tila ba nakakataba nang humingi ng tawad sa kanya ang binata.

LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon