NAPANGITI siya sa binata nang makita niya itong lumabas sa isang silid. He smiled weakly at her and kissed her quickly on her lips making her feel giddy and making her feel the butterflies in her stomach.
Her heart skipped a beat when he hugged her and kissed her head lightly. "I'm so drained, baby Awesome ko," muli ay hinalikan nito ang kanyang ulo.
"Take a rest then," she answered weakly. Niyakap niya na ang binata at tinapik tapik ang likod nito. Naramdaman niyang isinubsob ng binata ang mukha nito sa kanyang leeg kaya hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Para talagang bata kung umasta ang binata. Alam niyang hindi dapat siya nakararamdam ng saya, alam niyang hindi dapat siya masanay na ganoon sila ng binata dahil alam niyang may katapusan ang lahat pero hindi niya maiwasang makaramdam ng saya kapag kasama ito.
Whenever she's with him, she can feel the warm feeling, the comfortable feeling she's refusing to feel for years now. It's like she finally found her home. She realized one thing. . . Speed Egell is her new found home.
It's both amazing and scary at the same time. . . because eventually, everyone leaves. . . including her.
"Let me hug you for a minute, baby Awesome ko." Hinigpitan ng binata ang yakap sa kanya na tila ba natatakot itong pakawalan siya. Pinagtitinginan na sila ng ibang tao na dumadaan sa hallway sa hospital pero hindi nagpatinag ang binata.
Nakayakap lang ito sa kanya at wala nang ginawang iba pero pakiramdam niya ay tila binubuo na rin ni Speed ang pagkatao niya.
Her heart skipped a beat because of that. Siya ang may trabaho noon. Kailangan siya ng binata, kailangan nito ng support system para sa paggaling nito. Hindi dapat siya ang kumukuha ng lakas dito dahil alam niyang hindi na makakayanan ng binata iyon. It's because they are both broken and shattered, one must sacrifice. . . and that's her.
Sa kanilang dalawa, siya ang mas may kasalanan sa nangyari. Sa kanilang dalawa, siya ang mas nawasak, hindi na niya dapat pang iniisip ang magpagaling dahil alam niyang mahirap na iyon. . . mali. . . imposible na iyon.
Nawala ang kanyang isipin nang maramdaman niyang hinalikan ng binata ang kanyang sintido. "Date tayo, baby ko," pag-aaya nito sa kanya. Walang bahid ng pamimilit ang boses nito. Napakalambing ng boses nito nang ayain siya. Wala tuloy sa sariling tumango siya para paunlakan ito.
"Sure, saan ba tayo?"
"Hindi ko rin alam," Speed chuckled richly. Kumalas na ito ng yakap sa kanya kaya naman pinaikot niya ang kanyang mga mata na tila ba naiinis siya sa sagot ng binata sa kanya.
Tumawa lang ng bahagya si Speed nang makita nito ang kanyang inasta. "Galit na galit ka na naman, baby ko. Irap ka nang irap." Ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya. "Pinaglihi ka ba sa cartwheel?"
She raised an eyebrow at him. "Connect?"
"Paikot ikot, duh?" Inirapan din siya ng binata kaya pinalo niya ito sa braso.
"Puro ka na naman kalokohan, Speed. Tara na nga!" Hinila na niya na ito para simulan ang paglakad dahil alam niyang pinagtitinginan na sila ng mga nurse doon. Mali, pinagtitinginan ng mga ito si Speed.
Sino ba naman kasing hindi mapapalingon sa gawi ng binata. He's just wearing a simple cotton shirt and a faded jeans partnered with his rubber shoes and still, he managed to look handsome. Sinfully handsome.
"Saan?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Speed habang naglalakad sila.
"Date!" she hissed at him.
Tumigil si Speed kaya napatigil din siya. At dahil nauuna siya kanina ay kailangan niya pa itong lingunin para makita kung bakit ito tumigil. Nakita niyang nakahawak ito sa may bandang dibdib nito. Muli ay tinaasan niya ito ng kilay.
BINABASA MO ANG
LAST HOPE (Cruel Reality Series 5) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] #Series 5 Using her family's connection, Awesome Jianna Watanabe managed to enter Interworld University and do the last thing that she wants to experience--teaching. Everything runs smoothly until she saw Speed Egell G...