One

606 19 0
                                    

Chapter 1.

Ikaw.


"Mama! Punta na kami ng school," wika ko sa aking ina pagkatapos kong kunin ang sariling bag galing sa kwarto. Pagkababa ko naman ay nadatnan ko si Mama na abala pa sa paghahanda ng baon namin.


"Ang aga-aga pa, Ate! Hintayin mo naman ako." napaismid ako sa tinuran ni Harvey.



Inirapan ko siya. "'Yan kasi! Tagal-tagal matulog kaya huli ring nagigising! Hay naku, Harvey! 'Wag na huwag mo akong idadamay sa pagiging late mo palagi!" ngumuso siya at nilalaro na ang kinakain na longganisa. "Bilisan mo nang kumain 'dyan o baka gusto mong hilahin kita palabas?!" banta ko.


"Oo na, Oo na! Tingnan mo si Ate Mama oh... inaaway na naman ako," sumbong niya pa kay Mama na tinawanan lang kaming dalawa.


"Kayo talagang dalawa," tawa niya sabay baling kay Harvey. "Bunso, bilisan mo nalang kasi 'dyan. Alam mo naman na marami pang gagawin ang Ate mo sa eskuwelahan." mahinahong sambit niya.


Matalim akong tiningnan ni Harvey na inismaran ko lang. Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ni Mama. Binilisan nga niya ang pagkain sa almusal at mabilis na nagtungo sa banyo para magsepilyo ulit. Tinulongan ko si Mama na ihanda ang magiging baon naming magkapatid at nang matapos ay sakto lang na lumabas si Harvey galing sa banyo.


Sabay kaming nagpaalam kay Mama bago tuluyang lumabas sa gate ng maliit na bahay namin. Inakbayan ko kaagad si bunso para hindi siya lumayo sa tabi ko.


"Ate! Huwag mo nga akong akbayan!" reklamo niya, nagpupumiglas kaya mas lalo kong hinigpitan ang pag-akbay sa kaniya.


"Pansin kong may pinopormahan ka na sa school ah? Sino? Ha? Sinong pinopormahan mo, Harvey?" tukso ko at madrama namang umugong si Harvey na tutol sa mga sinambit ko. "Si Zhairyn bah? Naku! Mapapatay ka sa Kuya no'n!" tinulak ko siya saka hinarap.


Pinandilatan niya ako ng mata, ngumisi naman ako. "Anong pinagsasabi mo, Ate Arrie?! Wala akong pinopormahan 'noh! Saan mo bah naririnig ang mga 'yan?" pinagkrus niya ang dalawang braso.


Natatawa akong napapailing at hindi na pinansin ang tanong ng kapatid. Iniwan ko siya na parang tanga kaya mas lalo akong natawa hanggang sa makarating kami sa sakayan ng tricycle. May suki kaming driver rito at noong makita niya kami ni Harvey, tinawag niya kaagad kami.


"Magandang umaga, Mang Carlos!" magiliw na bati ko.


"Kay gandang umaga nga naman, Arrie pero bakit busangot ang mukha nitong si Anthony?" baling niya sa katabi ko.

"Naku! Huwag mo nalang 'yang pansinin, Mang Carlos! Ano po? May tawad pa rin bah ang pamasahe namin sa inyo?" mas lalong natawa si Mang Carlos at napapatango.


Sumakay na kami ni Harvey sa kaniyang tricycle at nang makasakay ay agad kong kinuha ang librong babasahin dahil baka may surprise quiz na naman ang mga guro. Napansin kong panay ang usog palayo sa akin ng aking kapatid kaya nakangiwi ko siyang tiningnan.


Mga bente minutos pa ang ilalaan naming dalawa sa pagbabyahe bago kami makarating sa eskuwelahan.

"Harvey," tawag ko.


Umiwas siya ng tingin at hindi ako pinansin. Wala sana akong balak na kulitin pa siya pero gusto ko siyang kausapin tungkol sa paparating na examinations nila. Apat na taon ang agwat ko kay Harvey pero kung titingnan kami ng mga tao, isang agwat lang. 18 years old ako kaya 14 years old itong si Harvey ngayon.


Graduating na ako sa senior high at nasa second year highschool palang itong kapatid ko. Minsan pa nga ay masasabi ng kaklase ko kung jowa ko bah si Harvey. Bakit bah kasi siya pa ang pinagpala ng katangkaran?


Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon