Twenty- Nine

218 8 0
                                    

Chapter 29.

Safety.

"Sabi ng doctor, Ate na pwede na raw tayong umuwi bukas na bukas para mas maging komportable ang katawan mo sa bahay lalo na't nagpapahinga ka," napabaling ang tingin namin kay Harvey matapos sabihin iyon.

Abala ako sa pagkain habang nakikinig sa kaniya.

"That's good to hear, Anthony. How are you by the way? Wala bah kayong paper reports?" tanong ni Navi sa kaniya.

Umiling ang kapatid ko. "Wala naman, Ate. Malapit na rin kasi ang holidays kaya naghahanda na ang mga profs kung ano ang magiging ganap nila sa papalapit na bakasyon," sabay silang nagtawanan ng aking kaibigan pero exaggerated ang tawa ni Raileigh kaya nairita ako bigla. Kahit kailan talaga, mas grabe pa kay Navi!

"Buti naman, Anthony! Wala ka bang pinopormahan sa university ninyo?" mabilis pa sa cheetah na pag-iiba niya sa usapan.

Muling umiling si Harvey. "Wala pa naman, Ate. Wala pa sa isip ko ang mga 'yan eh." simpleng tugon niya.

Napangiwi ang gaga. "Ang sabihin mo, takot ka na baka mapagalitan ka ng Ate mo! Naku, nasa tamang edad ka naman na para manligaw! Eh kasal nga, ayos na ayos na sa'yo!" kahit hindi siya nakatingin sa'kin, alam kong ako ang pinariringgan niya.

Ang gagang 'to!

Harvey laughed wholeheartedly. "Wala pa talaga sa isip ko, Ate Raileigh eh... dapat mauuna si Ate Arrie sa'kin na magpakasal," ngising-aso akong binalingan ng tingin ni Navi.

"You heard your brother, Arrie. Pakasal ka na!" pati bah naman ang babaeng ito? Akala ko bah nag-aalala na siya na baka mabroken na naman ako?

"Ewan ko sa inyo." walang ganang tugon ko.

I sighed deeply and stared at the necklace that is still in the plastic. Dahan-dahan kong kinagat ang burger na kinakain at napaisip na naman kung bakit pinahawak sa'kin ni Evan ang kwintas na may buwan na pendant. My heart thumped so fast again while thinking that our relationship has still a chance. Pero teka nga, wala pa namang assurance na kay Evan talaga ang kwintas na hawak ko.

As far as I can remember too ay wala akong kwintas na moon pendant so a big possibility talaga na kay Evan ang kwintas. Napangiwi ako sa sakit na naman ng ulo pero bearable na ito... I barely touched my forehead and massage it for a second.

'Di ko tuloy natapos ang pagkain sa burger at inilapag na ito sa lamesa na malapit sa kama ko. Marahas akong napabuntong hininga at napatingin sa bintana. Malapit na matulog ang haring araw. I bitterly smiled while remembering my dreams... gumawa ako ng ibang rason kung bakit ko hiniwalayan si Evan.

Really, Arrie? Dinamay mo pa talaga ang Mommy niya sa kagagahan na ginawa mo noon? Sa panaginip mo pa talaga ginawa 'yon?

Wala naman talagang kasalanan ang Mommy ni Evan sa nangyaring hiwalayan namin.

Kathang-isip lang talaga lahat ng mga nangyari sa nagdaang panaginip ko. Walang katotohanan. It's all fictitious na baka pwede ko na ring isulat para gawing libro. Pero kahit na ganoon ay naranasan ko namang maging masaya sa panaginip ko.

Even if it's all a dream, I kissed my ex boyfriend and he kissed me back.

'Yon nga lang, nagising ako.

"Kaya mo na bah, Ate? Baka kasi mabinat ka kung sa bahay ka magpapahinga..." si Harvey habang inaasikaso ang mga gamit na dala para sa'kin.

This would be the day that me and my brother will go home. Tapos na naming bayaran ang bills kanina pa kaya ito na talaga ang oras na pwede na akong umuwi. I smiled at my brother who is now looking fresh in his khaki shorts and simple black T-shirt.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon