Twenty- Three

207 12 4
                                    

Chapter 23.

Director.

"Oh Ate? Bakit busangot 'yang mukha mo?" I immediately looked at my brother na kakarating lang galing sa unibersidad. He put his bag on the chair and approached me. "How's work?" dagdag na tanong niya nang hindi ko sinagot ang unang tinanong niya.

Pano ko sasabihih sa kaniya na nakabalik na si Evander?

It's been years since we last talked about that idiot.

I sighed heavily. "Ayos lang naman. Ikaw? Kamusta ang klase ninyo-- teka, magbihis ka muna sa kwarto mo. Sa hapag na tayo mag-usap." sabi ko na agad niya namang sinunod. Bago pa 'yon ay tiningnan niya muna ako nang mabuti na parang sinusuri ang mga ekspresyon na ipinapakita ko. Kung hindi ko lang siya pinalo ay hindi siya matatauhan.

Muli akong huminga nang malalim 'tsaka inalala ang nangyaring pag-uusap namin ni Evan sa kompanya nila. He will be the new CEO and my next boss. Ibig sabihin no'n ay everyday na kaming magkikita.

Thinking of those thoughts frustrates the hell of me.

Dahil sa pagkainis ay muntik na akong mapaso sa kawaling nilulutoan kaya minabuti ko na munang pakalmahin ang sarili saka naghanda na sa hapag-kainan na pagkakainan namin ni Harvey. He's now in his fourth year college, graduating sa kursong engineering.

And because we have enough income sa pagtatrabaho ko, ako ang nagpaaral sa kaniya pero buti nalang ay scholar din siya. I am very happy for him but I know and I feel that he isn't happy for me...

May kulang kasi sa'kin... 'di ko lang masabi.

Hindi nagtagal ay bumaba na ang kapatid ko kaya nagsimula na kaming kumain ng hapunan. Ang nangyaring usapan lang namin ay tungkol sa eskuwela niya. Sa nagdaang mga taon ay naging mature si Harvey. Pati na nga ang payatot niyang katawan noon, naging macho na ngayon. His friends in college is a very good influence to him.

I couldn't help myself but to be happy for my brother. Alam ko kasing magiging successful siya soon. Masayang-masaya talaga ako para sa kaniya...

How about me? Masaya bah ako para sa sarili ko?

Seven years has passed and before this day came, marami akong pinagdaanan pagkatapos kong makipaghiwalay sa kaniya. Muntik na akong magkaproblema sa mga grades ko noong college pero pasalamat ako na nakabawi kaagad ako. Pinagpatuloy ko ang pagiging waitress at pagiging cashier sa convenience store kada gabi hanggang sa maka graduate. Naalala ko pa noong graduation ko, napaiyak si Harvey.

Despite of being independent, nabuhay ko ang sarili at kapatid. I really thought that I couldn't make it, akala ko ay hindi ko talaga kakayanin but look at me now?

Successful graduate at may sariling pera na.

Pero...

Masaya bah ako?

Until now ay hindi pa rin nagsi sink in sa utak ko na magiging boss ko na ang ex-boyfriend ko simula bukas. I wasn't inform na may pamangkin pala si Ma'am Dani na ang pangalan ay Evander Crossley Lavoie! The company name was LT company! Akala ko bah ay L company ang magiging pangalan ng kompanya nila Evan?

Kainis nga naman! Hindi man lang ako nag background check o nag-imbestiga tungkol sa kompanyang pinasukan ko!

Pero 'di na rin masama dahil may limang taon naman akong kontrata tapos ang taas pa ng sahod. Ang masama lang ay ang boss ko ay isang gunggong.

Gunggong na shokoy!

Kinaumagahan, matapos magluto, kumain, maligo, at magbihis ay nagpaalam na ako kay Harvey para sa trabaho. Alas nuebe pa ang klase niya kaya literal na hindi pa siya naliligo pero sabay kaming kumain. Before I went out to our house, tinapik ko si Harvey para magpaalam na.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon