Nineteen

149 10 0
                                    

Chapter 19.

Iba.

"Napansin naming hindi na kinakaya ng Mama mo ang mga gamot na binibigay namin sa kaniya, hija..." kumunot ang noo ko sa mga sinasambit no'ng doktor. I was just staring at Mama who's catching her own breathe even though she's already using an oxygen. Hindi ako nakapagsalita at tiim na pinoproseso ang mga narinig.

Evan gripped a hold on my hand, hindi ko siya matingnan.

"A-ano pong ibig niyong sabihin, Doc?" nanginginig ang labing na tanong ni Harvey. Based on what expression he's showing... kinakabahan ang nakababata kong kapatid.

Lumunok ako at mariin na huminga.

The doctor infront of us together with his nurse sighed heavily. Tinitigan ako no'ng nars kaya nakaramdam ako ng kaba. May masamang balita na naman bah? Kung meron man... pwedeng huwag na munang sabihin nila?

Konting-konti nalang... lulubog na ako.

"We need to do a surgery, Miss Fuentes. Based on my observation everytime she takes medicine, mas lalong naging mahina ang pagtibok ng puso niya dahilan para mahirapan siyang huminga," my mouth were now half-opened while listening to the doctor's explanation. "Nakakagulat dahil maayos naman ang puso niya noong una siyang uminom ng gamot."

"Teka lang..." pigil ko sa kaniya sa pagsasalita. "Ang ibig niyo ho bang sabihin na dahil sa mga gamot na binibigay n'yo palagi kay Mama ay mas lalong naging mahina ang puso niya?" dahan-dahang tumango ang doktor.

"Yes and we are very sorry for that, hija--"

"Sorry?" sarkastikong ani ko na ikinatigil nila. "Paano kung matuluyan na nga si Mama? Sorry nalang bah 'yon, Doc? Ha? Pinagkatiwalaan ko kayo at pinaniwalaan na aayos ang pakiramdam ng Mama ko kapag bibigyan niyo siya ng gamot! Bakit umabot na sa pagkakaroon ng surgery?!" I suddenly became furious out of nowhere. Mariin na pinisil ni Evan ang kamay ko kaya marahas ko itong hinawi sa kaniya.

The doctor went silent. Galit ko silang hinarap. "Anong klaseng gamot bah ang pinapainom niyo kay Mama? Bakit lumala ang karamdaman ng puso niya?Ha? Bakit?" naramdaman ko ang mga luha sa gilid ng mata ko.

"Niah... please calm down," humingos ako at napapikit.

Wala akong oras para harapin si Evan kaya 'di ko na siya nilingon para pansinin.

"Sinabi ninyo sa akin na bubuti ang pakiramdam ni Mama kung mananatili siya rito sa hospital at sinabi niyo rin na araw-araw niyo siyang oobserbahan para matingnan ang resulta kung maganda bah ang naging epekto ng gamot sa kaniya pero bakit? Bakit humantong na kailangan na siyang operahan?" sa bawat bigkas ko sa mga salita ay ang pagtulo ng mga luha ko.

"Hija... hindi rin namin inaasahan--" pinutol ko muli ang doktor.

"Hindi! Sa simula't sapul pa lang ay dapat alam niyo na kung ano ang mangyayari sa ina ko! Kung sinabi niyo lang sa akin nang maaga na dapat nang operahan si Mama ay gagawin ko talaga ang lahat para gawin niyo lang 'yon!" napapikit ang doktor, hindi na alam kung paano ako papakalmahin. "'Di ako naniniwala na ngayon niyo lang napansin ang pagiging mahina ng puso ni Mama dahil ako rin ay napansin ko na 'yon."

I licked my lips and looked up, napakatigas ng mga luha ko! Peste! When I looked at the doctor again, malungkot niya akong tinitingnan.

"She's already using an oxygen kaya nasabi ko kaagad na hindi na talaga maganda ang epekto ni Mama sa mga gamot na binibigay ninyo pero alam niyo bah kung ano ang iniisip ko sa tuwing nakikita kong nahihirapan si Mama?" nagtanong pa ako kahit wala namang sasagot. "Sinabi ko sa sarili ko na mas dadagdagan ko pa ang pagtitiwala ko sa inyo. You have more knowledge on this kind of situation, Doc... pero sana inisip mo minsan na kapos kami sa pera. Oo, nahihirapan kaming bayaran lahat ng bayarin rito sa hospital pero ginagawa ko lahat... ginagawa ko lahat para makahanap ng pera kahit nag-aaral ako." I covered my mouth to prevent myself to make a loud noise here.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon