Twenty

183 9 0
                                    

Chapter 20.

Mama.

"H-hello, Evan?" pinilit ko ang boses na huwag manginig kahit sumisikip na ang dibdib ko dahil sa pagpilit sa sarili na patatagin. Alas dose ng hatinggabi at pwede na akong umuwi dahil may pumalit na sa shift ko convenience store.

I am now currently walking in a dark road where the lamppost has an uneven lights. Nakakatakot... pero dahil sa pagtawag ni Evan sa akin ay naibsan ito. Kani-kanina lang ay hindi ko pinaniwalaan ang mga sinabi ni Navi but something is forcing me to believe it... believe na may ibang babae sa Evander. Thinking those thoughts pain me but I need assurance... kailangan ko munang maging sigurado bago manghusga.

He promised. Nangako siya sa akin.

But did he ever promise that I will be the only girl he'll only love in this lifetime?

Mas lalong sumikip ang dibdib ko sa isiping iyon.

"Where are you, Niah?" ang malamig na baritonong boses ni Evan ang nagpatigil sa akin sa paglalakad at nagpabalik sa wisyo ko. He sound mad so I immediately got nervous.

"N-nasa bahay... bakit?" pagsisinungaling ko kahit nasa gilid pa ako ng madilim na kalsada.

I heard him sarcastically scoffed on the other line. "Really? Saang bahay, Niah?" tuluyan na akong hindi nakapagsalita sa tanong niya. Nasa bahay namin siya... "I am fvcking here in your room, waiting for you! Where the hell are you?!" nailayo ko ng kaunti ang cellphone sa tenga dahil sa pagbulyaw niya.

Malalim akong napabuntonghininga at walang pagdadalawang-isip na binaba ang tawag. Tears rolled down in my cheeks and I don't know why I am crying right now. Maybe because I'm guilty that I didn't tell my boyfriend that I am working as a cashier? Hindi ko alam... o baka nagsisimula na akong magduda sa pagmamahal niya. My heart clenched.

Napahawak ako sa sariling dibdib dahil sa sakit na hindi ko na maintindihan.

I cried while walking in this damn dark street!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung magkakaharap man kami ni Evan ngayon. Kaninang hapon bago ako nagtungo sa café ay tinawagan ko siya para ibalita ang matataas kong grado. We were so happy by that time at 'di ko na alam ngayon...

Masaya naman kami kanina, ah? Bakit hindi nalang tinuloy-tuloy ngayong gabi hanggang sa mag-umaga nalang? Sana bukas ko nalang nalaman ang mga sinabi ni Navi.

Ang sakit eh. 'Di ko kayang bigyan ng eksplanasyon ang nararamdaman kong sakit.

Tiningnan ko ang madilim na kalsada 'tsaka nagbabakasakaling may dumaan na jeep o kung ano pang pwedeng masakyan. Sa kamalas-malasan... walang dumaan sa nagdaang limang minuto. The convenience store was a bit far from our house kaya jeep ang kailangan ko para mapadali ang pag-uwi.

Harvey doesn't know about this at baka inaakala niya ngayon ay mahimbing na akong natutulog sa bahay. Nakasanayan niya nang sa hospital matulog para mabantayan si Mama.

Bigo akong nagpatuloy sa paglalakad habang luhaan pa rin ang magkabilang mga mata. I heard that my phone is ringing at nang tingnan ko ito, si Evan ang tumatawag kaya gaya ng ginawa ko kanina ay binaba ko ito at hindi sinagot. Natatakot pa akong kausapin at harapin siya.

Sana umuwi na siya sa bahay nila ngayon at matulog.

"Hala! Arrie!" napatalon ako sa gulat nang marinig ang pangalan ko sa likod. Agad akong lumingon at laking gulat ko nang makita si Manuel na kulang nalang ay lumabas na sa bintana ng kotseng sinasakyan.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon