Chapter 7.
Nahalata bah?
"I have something to tell you after finals, be ready for that."
"I have something to tell you after finals, be ready for that."
"I have something to tell you after finals, be ready for that."
Ang mga salita ni Evan ang paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan sa tuwing natutulala ako o kung minsan ay bakante ang utak ko. The way he said those... he was smiling, a genuine smile was plastered to his lips!
Dahil doon, hindi ko na talaga matanggal sa kukote ko ang magandang ngiti na iyon kay Evan! Nakakainis pero may kung ano sa tiyan ko ang nakikiliti.
I don't know why but I kinda felt excited on what he is going to tell me after finals. Kung may sasabihin siya, sana sinabi niya nalang no'n para naman hindi na ako mawawala sa sarili o kung ano pa man. Minsan pa nga ay mapapahawak ako sa sariling dibdib, 'di ko mawari kung sa kaba bah ito... but I am definitely sure that it really is nervousness.
Sana sinabi niya nalang sa akin kaagad! I couldn't focus on my papers because of him--
"Aray! Ano bah!" bumalik ako sa realidad nang maramdaman na kinukurot ako ni Harvey sa palapulsuhan, para makaganti ay agad ko siyang pinalo sa balikat
Obvious namang napadaing siya sa sakit at napahawak sa sariling balikat.
"'Yan kasi! Ba't ka bah nangungurot 'dyan? Gusto mo, gawin kong butiki 'yang pagmumukha mo?!" sarkastikong ani ko.
My little brother pouted his lips. "Sorry na Ate... kanina pa kasi naghihintay si Mang Dodo sa pamasahe natin dahil tulala ka," my eyes widened on that statement and slowly looked at the tricycle infront of us.
Napaawang ang bibig ko nang makita si Mang Dodo na... well, 'di naman siya mukhang naiinip-- mukhang papunta pa roon ang ipinapakita niyang ekspresyon. Diyosko po, saan bah napadpad ang utak ko?! Wirdo akong ngumiti saka nagmamadaling kumuha ng saktong pamasahe at dali-dali ring inilahad sa kaniya.
I really feel sorry for Mang Dodo!
"Pasensiya na, Mang Dodo! Hehehe... kanina pa po pala kayo 'dyan? Eto po, pamasahe namin ni Harvey. Ingat ho kayo sa byahe, salamat sa paghatid!" tipid na ngiti lang ang iginawad sa akin ni Mang Dodo bago pinaharurot ang kaniyang tricycle.
Wala sa sarili akong napabuntong-hininga at nakaramdam ng kahihiyan sa katawan. Nahihiya ko ngang tiningnan ang kapatid ko na hanggang ngayon ay nakanguso pa rin ang labi.
"Ano bah kasing iniisip mo, Ate? Si Kuya Crossley bah iniisip mo?" isang mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Harvey.
Umiwas ako ng tingin. "W-wala, kinakabahan lang ako sa lalabas ng exams..." nautal pa talaga ako nang sabihin 'yon. Tumaas ang dalawa niyang kilay nang matingnan ko ito ulit.
"Bakit ka naman kinakabahan? Eh pipityugin lang naman sa iyo ang mga exams ah? May nagbago bah, Ate?" inosenteng tanong niya.
Nagsimula na kaming maglakad papasok sa gate ng eskuwelahan, maliit lang na bag ang dala ko dahil ganito naman talaga ako sa tuwing sasapit ang examinations. 'Di na ako dapat magtanong kung bakit nagtataka si Harvey sa mga sinabi ko. Every exam, palagi kong sinasabi na madali lang sagutin lahat ng papers which is totoo.
Last finals nga, muntik na akong makakuha ng perpektong marka at 'yon ang pinagbasehan ng mga propesor para sa student ranking. Sa Strand namin, ako ang top.
BINABASA MO ANG
Just A Promise
Storie d'amorePublished: June 3, 2021 Finished: February 20, 2022 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Hananiah Arrie, ang babaeng takot umasa sa mga pangakong naririnig kanino man. She feared believing in promises since his father died beca...