Thirty- Five

217 9 0
                                    

Chapter 35.

Will Never.

"Oh my goodness! Is that your only way to greet me, son?!" napaigtad ako nang kaunti sa pagtaas ng boses ng ginang na nasa harapan. She looked amused but the playful smile was still in her lips.

I heard how Evan's chair made a sound, tumayo siya. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga niya saka dahan-dahang naglakad patungo sa ina. Bahagya kong hinablot ang laylayan ng damit ni Harvey para makuha ko ang atensyon niya and gladly, I succeed.

Hindi nababakas sa mukha niya ang kaba, nakangiti pa nga!

Tinaasan ko siya ng kilay. "'Di ka bah... kinakabahan?" pabulong na tanong ko at agaran naman siyang umiling. I simply gasped in his response.

Naputol ang pagtitigan naming magkapatid nang tumayo siya. Tumayo na rin ako, sinusunod ang ginagawa niya. I already think that Harvey will greet Evander's mother. Gusto ko ring batiin ang ginang pero... hindi ko maiwasang kabahan lalo na't ito ang unang pagkikita namin.

Sinimulan kong ihakbang ang mga paa habang nakasunod sa kapatid na kalmado lang na naglalakad patungo sa puwesto kung saan doon nakatayo sina Evan.

Every steps I took, mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. I am obviously nervous!

"Oh my... don't tell me..." natigil ako sa paghakbang at napayuko nang mapansin na nakuha namin ni Harvey ang atensyon ng Mama ni Evan. I swallowed and licked my lips to stop myself from being nervous but heck! Kinakabahan talaga ako!

"Good morning po... Ma'am." si Harvey sa malumanay ngunit may respeto na tono.

Inangat ko ang sariling paningin at ganoon nalang ang pagkagulat ko sa nakita. Evander's mom gently caressed Harvey's cheek! Kahit nakatalikod sa akin ang kapatid ay kitang-kita ko kung paano hinaplos ni Ma'am Esmeralda ang pisngi ng kapatid ko!

Nanigas ako sa kinatatayuan.

"You must be the cute boy whom I saw in Ley's phone album! Harvey? You are Harvey, right?" my brother chuckled lightly and nodded.

"Opo..." tugon niya. "Kilala n'yo na po pala ako, Ma'am? Ngayon lang po kasi tayo nagkita..."

Tumawa rin ang ginang. "Of course! My son shared alot to me when he was here years ago. I know you, hijo especially Hananiah... kilala ko na kayo pero ngayon nga lang ako nagkaroon ng pagkakataon para makilala kayo sa personal," muli siyang natawa 'tsaka tinapik ang balikat ni Harvey.

'Di kalaunan ay bigla siyang sumilip sa kung saan ako. That warming smile in her lips melted my heart. Parang may kung ano sa kaniya na nakakapagsabi sa'kin na komportable ako...

Saglit akong natulala sa magandang mukha ng ginang hanggang sa hindi ko na napansin na nakalapit na pala siya sa'kin. Abot tenga ang ngiti niyang inabot ang kamay ko at marahan itong pinisil.

"G-good mor--" 'di ko na naituloy ang pagbati nang yakapin niya ako nang napakahigpit.

My body stiffened because of her sudden move but later on, nakahinga ako nang maluwag. She tapped my back very gently while resting her chin in my shoulder. Umabot sa ilong ko ang mabango niyang pabango.

I hesitated if I will hug her back or not but the way she tapped me... may umuudyok sa'kin na yakapin siya pabalik and that is what I did. Niyakap ko pabalik ang ina ng pinakamamahal ko. As I hugged her, nahuli ko si Evan na nakatitig sa akin. His face was serious but happiness is evident in his eyes.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon