Sixteen

203 11 0
                                        

Chapter 16.

Ulit.

"Gosh! Kung alam mo lang kung ano ang mga ginawa ko, Arrie! You won't believe it!" agad akong napabaling kay Navi nang magbahagi na ito tungkol sa mga ginawa niya. She was gone for almost one month kaya literal na wala akong alam kung ano ang mga ginawa niya. May kaunting nagbago sa kaniya, it was her long hair na short hair na ngayon.

I let out a sigh. "Oh? Ano bang ginawa mo buong April? We lost contact to each other after the day we ate to a restaurant," nakangiting tanong ko, abala sa pagtitingin sa mga dalang paperbags niya.

Nasa bahay kami ngayon, wala si Mama at Harvey dahil nasa palengke. I was left alone in our house, Mama wanted me to rest for the whole day lalo na at day-off ko sa café. Hindi ko nga alam kung paano nalaman ni Navi na nasa bahay lang ako. Well, I already texted Evan na tambay ako buong araw but he's busy-- uh... reading some documents? 'Di ko alam but konektado lang 'yon sa papalapit na pagtayo ng company nila rito sa Pilipinas.

Tumayo bigla ang kaibigan ko at nilibot ang paningin sa buong bahay. Her brows furrowed like she saw something that has changed in our house. May nagbago at iyon ay ang ilang furnitures na si Evan ang bumili. Everytime I remember that day, binabalot ako ng kahihiyan. My boyfriend bought some furnitures for this house. 'Di naman na kailangan pero mapilit talaga siya.

"Something changed..." si Navi na kunwari'y nakatingala, nag-iisip.

Akma na sana akong magsasalita nang umupo siya ulit. Tinitigan niya ako na parang may kung ano sa akin. Okay... there she goes...

"I know I've been gone for almost one month and I am here because I missed you and Tita Blanca but," kumunot ang noo ko sa panimula niya. She chuckled a little. "I just wanna ask if kamusta na kayo ni Crossley?" napangiwi ako.

"Bakit ako ang una mong tinatanong? I should be the one asking you where have you been and what did you do for being gone for almost one month," binaliktad ko kaagad ang usapan.

She raised a brow at me. "Fine. I went to Canada to take my vacation there with Tito Theo's and Tita Kai's daughter. Of course! I enjoyed the place lalo na sa kasama ko kahit napakahinhin niya magsalita at pino pa kumilos-- at imbes na one week lang ang bakasyon ko, pinatagal niya because she wanted me to stay beside her." napatango tango ako.

I looked at the paperbags she brought. "So itong mga dala mo, galing itong Canada?" she nodded cheerfully. "Thank you, ah? I'm sure masisiyahan si Mama dito." ani ko.

Mayabang siyang ngumisi. "Yes naman! Baka pagdating nina Tita ay hindi na ako papaalisin dahil mahal niya na ako bilang anak!"

Nanlaki ang mata ko at muntik nang matawa. "Ang feeling mo, ah? Parang walang totoong magulang sa bahay." matabang na sambit ko. Her lips protruded so I laughed. "Magtatagal ka bah rito?" out of nowhere, iyon ang natanong ko.

She dramatically gasped for an air, napahawak pa sa dibdib. "Ouch! Pinapauwi mo na 'ko kaagad, Arrie?! Ang sama mo naman!" tipid akong napangiwi at tumayo na para ilagay sa kusina ang dala niya.

Kaagad kong naramdaman ang presensiya niya na sumusunod sa akin na parang buntot ko. She crossed her arms while intently looking at me. I raised a brow while putting the bags on the table. Lumitaw ang mapang-asar na ngiti ni Navi kaya alam ko na kung ano ang mangyayari.

"It's time for you to answer my question. Kamusta na kayo ni Crossley? Wala pa akong naririnig na usap-usapan tungkol sa inyo so... kamusta na nga?"

Huminga ako nang malalim at napameywang siyang binalingan ng tingin.

"Ayos lang naman, ganoon pa rin. Girlfriend niya ako at boyfriend ko siya," may idudugtong pa sana ako nang biglang may kumatok sa pintoan.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon