Ten

221 13 10
                                    

Chapter 10.

Hospital.


Sa isang oras ay wala sa tabi ko si Evan but that didn't made me feel bad. Masaya nga ako dahil nagsimula na siyang makihalubilo sa mga ka batchmate niya. It really was a good idea that I pulled him earlier papunta kila Saul. Napapangiti ako habang tinatanaw si Evan na nakikipag-usap sa kasama niya.


They were sitting in a bench na medyo may kalayuan sa akin. Evan was sitting in the center, nasa magkabila naman niya si Kyson at Gio na halatang natutuwa sa katabi.


Mas lumapad ang ngiti ko nang makitang tumawa siya sa sinabi ni Manuel. Obvious namang hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil may kalayuan nga ako sa kanila. It's good to see him in that situation, sana magtuloy tuloy para masanay na talaga siya.


Naputol ang pagtitig ko kila Evan dahil sa isang mahinang tapik sa likod ko. I immediately looked back to see who it was. Tumaas ang dalawa kong kilay nang makita kung sino ito.


"Hii Ate Arrie!" Milani politely greeted.


"Oh Milani?" 'yon lang ang naitugon ko habang siya naman ay umupo na sa tabi ko.


"Nasaan si Anthony, Ate?" tanong niya sabay linga-linga sa paligid.


Marahan akong natawa. "Kinuha raw ng mga kaklase ninyo, hindi mo bah napansin?" inosente siyang umiling at napanguso.


"Ang Anthony na 'yon! Sinabi niya sa'kin last week na lilibrehan niya raw ako ng fruitshake ngayon! Sa'n naman siya dinala ng mga classmates namin?" masungit na aniya kaya mas lalo akong natawa.


Si Anthony, manlilibre? Imposible! Eh ako nga na kapatid niya 'di niya malibrehan sa sobrang tipid!


Matakaw nga, tipid naman!


"Talaga? Sinabi ni Harvey na lilibrehan ka niya?" 'di makapaniwalang tanong ko, muntikan nang matawa. Agaran ang pagtango ni Milani kaya pinigilan kong matawa. "Naku! Baka tinakasan ka na no'n!" paninira ko sa kapatid.


Milani's eyes widened at kung nasa cartoon series kami ay makikita mong may nagbabaga nang apoy sa dalawa niyang mata. Saglit akong natawa pero agad ring natigil dahil sa pagtayo niya.


Bigla niyang itinaas ang isa niyang kamao sa ere na parang umaatake ng upper cut. "Humanda siya sa'kin mamaya sa horror booth! Sisiguradohin kong ako ang mananakot sa kaniya at sisiguradohin ko ring bugbog sarado ang asungot na 'yon pagkalabas niya!" hindi na ako nakaramdam ng kaba sa pagbabanta ni Milani dahil baka tulongan ko pa siya.


Umupo siya ulit sa tabi ko. "'Wag mo sabihin kay Anthony, Ate ha? Gusto kong sa pagpasok niya sa booth ay suntok ko kaagad ang sasalubong sa pagmumukha niya!" napangisi ako sa balak nitong batang katabi ko.


"Sige bah, galingan mo lang ang pagsuntok ah? Para naman matuto ang mabait kong kapatid," bumungisngis si Milani at determinadong tumango tango.


Binalot kami saglit ng katahimikan hanggang sa magsalita siya.


"Ba't nga pala mag-isa ka ngayon, Ate Arrie? 'Di mo bah kasama 'yung... Navi bah ang pangalan no'n?" bakas sa boses niya ang pagtataka.


"Oo Navi ang name niya. Tingin ko ay nasa horror booth siya, naghahanda para mamaya. Ikaw? 'Di bah kasali ka sa make-up artist sa mga multo roon? Hindi mo bah siya napansin?" tanong ko pabalik.


Milani shook her head. "Hindi eh, baka sa katabing room siya naassign. Tapos na kasi ako sa gawain sa first room, hinanda ko lang doon ang maskarra na gagamitin no'ng mga multo." tugon niya sabay tawa, marahan rin akong natawa at napabaling muli kila Evan.


Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon