Forty- One

256 12 0
                                    

Chapter 41.

Pangako.

"Do a good posture, baby. Huwag ka na mahiya," nahihiya kong tiningnan si Evan na hawak na ang DSLR camera kanina pa. I pouted and looked away at him. Narinig ko siyang bumuntonghininga at naramdaman ang presensiyang papalapit sa'kin.

Kanina ay galing kami sa isang restaurant para doon kumain ng meryenda at ngayon ay nandito na kami sa Skytree. Maganda rito at ilan lang ang nakikita kong mga turista dahil medyo maaga pa. The view here is very mesmerizing lalo na at kasama ko si Evan. He was the one who decided to come here at 'di ko alam kung bakit niya ako gustong kuhanan ng litrato.

Nakakahiya...

I felt him touched my waist and leaned his mouth in my ear.

"You don't have to be shy, Niah... just smile and act like no one is watching you." he huskily said.

Mas lalo akong napanguso. "Pwede namang... tayong dalawa ang kuhanan, ayokong ako lang mag-isa..." hinarap niya ako at kunot-noo akong tiningnan.

Natawa siya. "We already did that, ikaw naman ngayon." pinalo ko ang balikat  niya.

"Evan naman eh..."

Wala nga akong nagawa kundi ang sundin ang kagustohan ni Evan. I did alot of simple poses para makuhanan niya na ako ng litrato. Minsan ay hindi ko napapansin na bawat galaw ko ay kinukuhanan niya naman. Nahuli ko lang nang mahina siyang natawa at nakakaasar talaga 'yon!

After he took a couple of photos of me, ako naman ang nag capture sa view sa ibaba. He was firmly holding my waist while I am capturing the beautiful view of Tokyo.

Mukhang naiinip na siya sa ginawa ko dahil bigla niyang sinandal ang baba niya sa balikat ko. I tried to push him away but he did not let me, ang lakas at bigat kaya ng katawan niya kaya wala talaga akong laban kung itutulak ko siya palayo.

"You're distracting," tipid na komento ko habang patuloy na kumukuha ng litrato.

Humingos siya. "I am not." depensa niya.

Kahit nasa camera ang isang mata ko ay napairap ako sa sinabi niya. Mahina ko siyang siniko pero ang gunggong ay natawa lang at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Napapailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagkuha ng litrato. I decided to face the lens to us at nag peace sign ako. Evan immediately shift his position, mukhang nabigla sa ginawa ko. I chuckled and click the camera.

Tiningnan ko ang resulta and I am amazed that Evan really smiled genuinely with his teeth out! Ako naman ay nagpapacute habang naka peace sign.

"Ang gwapo ng mapapangasawa mo, Niah." mayabang na bulong ng lalaki sa likod ko.

"Anong gwapo? Para nga itong gorilla kung makangiti. Tingnan mo ang ilong, oh!" pang-aasar ko na ikinatawa niya lang. Siniksik niya bigla ang mukha sa leeg ko at sa gulat ay kinagat niya ako!

Napaimpit ako sa sakit at mariin na napahawak sa camera.

He licked the skin of my neck and smell it. "Gorilla pala ha," pambabara niya na ikinanguso ko. Mabilis ko siyang hinarap 'tsaka pinitik ang kaniyang noo. Siya naman ngayon ang napaimpit sa sakit kaya padabog ko siyang iniwan.

Tinawag niya ako pero hindi ko na nilingon pa. Dahil nakalugay naman ang buhok ko, tinabunan ko kaagad ang kinagat ni Evan. Pakiramdam ko kasi ay nag-iwan ito ng marka. Kung nakasuot lang ako ng turtle neck ay hindi na sana ako mahihirapan pa sa pagtabon.

Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon