Five

259 17 0
                                    

Chapter 5.

Patatas.


Matapos akong tumakbo palayo sa kaniya ay may kung ano sa puso ko na hindi ko maintindihan, nasaktan ako sa sinabi niya pero dapat ko lang tanggapin 'yon para makasama niyang kumain si Darlene.


Bago pa ako makarating sa cafeteria ay sinalubong kaagad ako ni Navi na tuwang-tuwa talaga sa pagdating ko, nagulat pa nga si Harvey bakit ko kasama ulit si Navi. Alam niya kasing pinutol ko na noon ang ugnayan namin ni Navi pero hindi niya alam ang dahilan kaya 'di na siya nagtanong pa.


"Hey Arrie! Ano gusto mong kainin? It's my treat," napabaling ako kay Navi nang sabihin niya 'yon.


Pinandilatan ko ng mata si Harvey nang itinaas niya ang kanang kamay niya. "Magpapalibre din po ako, Ate Navi hehehe." napasapo ako sa aking noo sa narinig.


Hindi na kasi kami nahandaan ni Mama ng baon, nagmamadali kasi. At ako naman ay huling nagising kaya tuluyan nang wala kaming nadala na baon ni Harvey. May pera namang ibinigay si Mama sa aming dalawa.


Navi chuckled. "Sure sure! Lilibrehan ko kayong dalawa ng Ate mo so what food do you want to eat?" gusto ko nang sabunotan ang sariling kapatid dahil mas lumapad ang ngisi niya sa sinabi ng kaibigan ko.


Itong kutong lupa na 'to! Ang kapal talaga ng mukha basta marinig lang ang salitang 'libre'!


"Uh... Navi, may pera naman kaming dala ni Harvey kaya--"


"Ano ka bah, Ate Arrie. Tinatanggihan mo ang grasyang dala ni Ate Navi oh... masama kaya 'yon sabi ni Mama, natatandaan mo?" nguso ni Harvey. Wow... ang galing naman talaga ng kurimaw kong kapatid! Dinadamay pa talaga si Mama!


Mas lalong natawa si Navi, pumapalakpak na nga na parang tumatawag ng kalapati. "Gosh! I didn't know that your brother is so cunning, Arrie but he really got the point! Masamang tanggihan ang grasya." tawa niya.


Tipid akong napangiti at wala nang nagawa kundi ang hayaan si Navi na librehan kami. I insisted to come with her to the food counter.


Navi is sometimes clingy kaya dapat ko na talagang sanayin ang sarili sa pagsakbit ng braso niya sa braso ko. It's not bad at all, she's just like this so I have to understand.


"You always bring lunch from home, right? It's new that you and your brother don't bring one today," saad ni Navi.


"Ah... Oo kasi hindi na kami napaghandaan ni Mama at late rin akong nagising kaya ayon, pinili nalang naming hindi magdala ng baon." tugon ko.


"But can't you see? Perfect timing na wala kayong dalang lunch because I will treat the two of you!" she giggled.


Tanging ngiti lang ang naitugon ko kay Navi at nagsimula nang pumili ng mumurahing pagkain na naka-display sa counter. I was about to choose the food that's inexpensive but Navi is too stubborn, siya na mismo ang pumili ng pagkain para sa aming tatlo.


She's the one holding the tray of food, ang dala ko naman ay ang iinumin namin na siya rin ang bumili. Nakakahiya pero gusto niya eh kaya hahayaan ko nalang at pasalamatan.


Bigla akong natigil sa paglalakad nang makita kung sino ang bagong pasok sa entrance ng cafeteria.


It was Evan and Darlene.


Napaawang ang bibig ko nang makita silang dalawa especially when I saw my friend looks awkward on his side. Even though I am so far from them, kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi ni Darlene habang nagsasalita. Sa hindi mawaring dahilan, sumikip bigla ang pagtibok ng puso ko.


Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon