Nine

233 14 0
                                    

Chapter 9.

Socializing.


"B-boyfriend na kaagad kita?"


Nanginginig man ang aking boses ay nagawa ko pa ring itanong 'yon sa kaniya. We are now currently sitting in the bench, letting the fresh winds blew our hair to the side. I looked at his side profile at kitang-kita ko ang seryuso sa mga mata niya.


When he noticed that I am already staring at him, bumaling siya sa'kin at ngumiti.


"Yeah, do we have a problem with that?" napaawang ang bibig ko sa narinig. Mukhang wala ata sa bokabularyo niya ang panliligaw.


Umiwas ako ng tingin at tiim na nag-isip sabay hinga nang malalim. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata at muling huminga nang malalim. "Sa tingin mo, Evan? Hindi mo bah ako liligawan?" mahina ang pagkakasabi ko sa huling salita pero sapat na 'yon para marinig niya.


Sa highschool life ko, may ilan nang nagtangkang manligaw sa akin at lahat sila ay binasted ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi kasi ni Mama na wala pa ako sa tamang edad para magkaroon ng kasintahan. She even shared how Papa courted her before and that time ay nasa 19 years old siya while Papa is 24. Basically, parehong nasa tamang edad na ang magulang ko nang magsimula sila sa stage ng pagmamahalan.


Kung kukonin ko ang opinyon ni Harvey, panigurado akong ang sasabihin lang ng ulupong na 'yon ay wala namang masama kung tumibok nang maaga ang puso ko sa isang tao.


I turned 18 last December... legal age na ako sa lahat ng bagay so it means...


Napabaling muli ako sa lalaking katabi na mukhang kanina pa nakatitig sa akin. Wala sa sarili akong napangiti at 'di kalaunan ay napanguso.


Nasa legal age na rin ako para magka-boyfriend.


Gusto ko nang magpagulong-gulong sa damuhan na tinatapakan ko ngayon dahil sa kilig at kasiyahan na nararamdaman. Kahit hindi ko hawakan ang pisngi ko, alam ko nang nang-iinit na ito ngayon. Thinking Evan is now my boyfriend?


Sino bah ang hindi magtatalon-talon sa saya kung nakabingwit ka ng malaking isda sa dagat? Not that Evan is a fish! I just find myself lucky na boyfriend ko siya.


Paano kaya siya magmahal--


Teka nga! Ang dapat ko munang iisipin ngayon ay liligawan niya bah ako o hindi! Dahil kung liligawan niya ako simula bukas ay sasabihin ko talaga kay Mama ang tungkol sa kaniya! Ano na kaya iniisip ni Evan? Liligawan niya bah ako? Kung hindi? Edi bahala siya! Hindi ako papayag na maging boyfriend siya kung ganoon!


Marahas akong napatayo at hinarap siya na nakalobo ang dalawang pisngi.


"Woah woah woah... why are you sulking?" umakto pa siya na parang natatakot pero alam kong kulang na kulang nalang ay tatawa na siya.


"Can you just answer my question earlier? Liligawan mo bah ako o hindi? Diretsahan na 'to dahil puso ko ang nakasalalay rito. Kung ayaw mo akong ligawan, I won't accept you as my boyfriend at kung liligawan mo naman ako, dapat mo munang i-prove sa akin na mahal mo talaga ako-- Ahh Hinde! I-prove mo muna na gusto mo ako!" that was a long speech na sarili ko mismo ay hinihingal.


My arms were crossed while standing confidently infront of him. Nakatitig lang sa'kin si Evan sa mata kaya nakaramdam kaagad ako ng kahihiyan para sa sarili.


"Ano? May plano ka bang magsalita?" tinarayan ko pa siya.


Tumikhim siya sabay tayo, bahagya akong napaatras dahil sa tangkad niya. Nakapamulsa niya akong pinagmasdan at biglang may lumitaw na ngisi sa labi niya. "You want me to court you?" nagbago ang ekspresyon ng buong pagmumukha ko.


Just A PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon